Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baracael itatapon ng Ginebra?

050615 marnel baracael

PAGKATAPOS na i-trade si Joseph Yeo sa Barako Bull kapalit ni Sol Mercado, inaasahang magpapatuloy ang Barangay Ginebra San Miguel sa pag-trade ng mga manlalaro sa ilalim ng bagong head coach na si Frankie Lim.

Ayon sa source, susunod na itatapon ng Gin Kings ang forward na si Mac Baracael na tulad ni Yeo ay hindi kursunada ni Lim sa sistema niya sa koponan.

Binanggit din ng source na ililipat si Baracael sa San Miguel Beer o sa Purefoods ngunit kailangan ng isa pang koponan upang makumpleto ang trade dahil hindi puwedeng mag-trade ang mga sister teams tulad ng Ginebra, SMB at Purefoods.

Nais umano ni Lim na kunin si Marcio Lassiter ng Beermen at Jake Pascual ng Barako na dating manlalaro ng coach noong nasa San Beda College pa sila.

Sa rookie draft ay nais din ni Lim na piliin ang isa pang dating taga-San Beda na si Garvo Lanete.

Makakasama ni Mercado sa backcourt ng Ginebra sina Mark Caguioa, LA Tenorio, Jayjay Helterbrand, Emman Monfort, Josh Urbiztondo at ang Mongolian import na si Sanchir Tungala.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …