Thursday , December 26 2024

Anay sa NBI, ipinapahuli ni Director Mendez

00 rex target logo

ISANG alyas ROGIE VILLARANCA ang target ngayon ng isang massive manhunt na personal na ipinag-utos ng ating idol na si National Bureau of Investigation (NBI) Director Virgilo Mendez.

Nakarating kasi sa kalaman ni Director Mendez ang malaon nang panghihingi at pagtanggap ng PAYOLA ni Villaranca mula sa mga ilegalista gamit ang mga opisyales ng bureau maging ang mismong tanggapan ni Director Mendez.

Kasama sa ipinahuhuli ni Director Mendez ay sina Yulie Garcia at Louie Sta. Ana na pawang tao umano ni ROGIE VILLARANCA.

Isa sa mga big fish na kinukunan ng payola ng grupo ni Villaranca at ang illegal gambling empire na mga gambling operator ng STL cum jueteng.

Paboritong meeting place ng tarantadong si VILLARANCA at ng kanyang mga ulol na aso ang SULO HOTEL diyan sa Quezon City at sa Solaire Hotel & Casino sa Parañaque.

Bukod sa illegal gambling, pasok din ang grupo sa pangongolekta ng ‘intelihensiya’ sa night clubs at mga putahan na ang front ay massage parlor at health spa.

Nakarating din sa kaalaman ni Director Mendez ang pagtanggap ng payola ng grupo ni VILLARANCA sa sindikato ng droga at international sex ring na nag-o-operate ng sindikato sa cyber sex.

Bukod sa NCR, galugad din ng notorious ng grupo ni ROGIE VILLARANCA ang Region 1, 2, 3 at Region 4A at 4B.

Matagal na umanong kaladkad ni ROGIE VILLARANCA ang buong tanggapan ng NBI at apat (4) sa mga nagdaang director ng bureau ay ipinangolekta na umano nito ng regular o linggohang payola. Si ROGIE VILLARANCA ay isa umanong trusted man ng isang dating Deputy Director.

May kasunod…ABANGAN!

BAKIT MASWERTE SI BERT LINA?

Parang express train ng bansang Japan ang naging appointment ni Air 21 big boss diyan sa Bureau of Customs.

Umaga nang mag-tender ng kanyang resignation si former BOC Commissioner John Philip Sevilla, kinabukasan, may turn-over na agad sa Aduana.

In just a few hours, nakapagdesisyon na agad ang Pangulong Noynoy Aquino na iupo na bilang bagong commissioner ng Customs si Mr. Bert Lina.

Sinong matatalinong advisers ni Pnoy ang tila nagpakana ng lahat?

Short background lamang dito kay Mr. Bert Lina, una siyang naupo diyan sa BOC noong panahon ni former President Gloria Arroyo.

Panahong ang tingin ng halos lahat ng Pilipino sa bureau ay lugar kung saan pinupulot lamang sa lahat ng sulok ang sandamukal na kuwarta.

Panahon ito kung saan naghari-harian si FG Mike Arroyo at naging padrino ng bigtime smugglers.

Umabot ng 41 ang bilang ng mediamen na idinemanda ni Arroyo dahil sa pagbatikos sa esposo ni GMA na nagtampisaw sa opisyo na ‘unabated smuggling.’

Ito rin ang panahon kung kailan nakapagtala ng record-breaking lowest output ang Aduana in terms of taxes or revenue collections.

Aside from this, binabato rin ng issue ng ‘conflict of interest’ sa pagitan ng bagong tungkulin ni Mr. Lina at ang kanyang sandamakmak na ne-gosyo na may kaugnayan din sa negosasyon sa Customs.

Iisa lamang ang rason na ating naiisip kung bakit ang isang BERT LINA ay iaa-appoint sa BOC ng isang gobyernong nasa DAANG MATUWID.

Ang natatanging asset ni Mr. Lina ay kanyang pagiging likas na ‘generous?’

Isa raw si Mr. Lina sa heaviest campaign fund contributor ni Pnoy noong 2010 presidential elections.

Ngayon ngang nangangailangan ng napaka-laking pondo ang Liberal Party (LP) para sa dara-ting na 2016 elections, obligasyon ni Pnoy na tulungang makalikom ng pondo ang kanyang mahal na partido.

Hindi lamang ito obligasyon sa tingin natin kundi pagbabayad ng utang na loob sa partidong nagdala sa kanya (Aquino) diyan sa Malacañang.

Ang isyu ng tatlong bilyong piso (Php 3-B) na umano’y hiningi nina ES Jojo Ochoa at Finance Sec. Cesar Purisima sa nag-resign na si Sevilla ay posibleng may katotohanan na hindi naman ibubulgar ng mamang si Sevilla kung hindi naging garapal at naging bulgarang pagdidikta at pag-uutos ‘di ba?

Madaling itanggi ito pero ang dalahin sa konsensiya ng mga taong ganito kagarapal ay magmumulyo habang buhay sa kanilang dignidad at pagkatao.

Suma-total ng lahat ng kaganapang ito, si Juan dela Cruz ang tiyak na agrabi-yado at ang bansa ang patuloy na wawalanghiyain.

Huwag sanang ang appointment ni Lina ay malinaw na pagsusulong sa interes ng iilan at hindi ng sambayanan?

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR ustream TV “ Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

 

ni Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *