HINATULAN ng pagkabilanggo ng korte sa southern Russia ang tatlong kabataang babae sanhi ng paggawa ng video na nagpapakita sa kanilang nagsasayaw ng twerk sa harap ng isang World War II memorial.
Magdiriwang ang Russia ng ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Allies’ victory sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngayong buwan.
Ang paghatol sa Novorossiysk district court ng 19-anyos na dalaga ng 15 araw na pagkabilanggo at dalawa pang kababaihan na nasa 20s ng 10 araw ay kasunod ng paglulunsad ng imbestigasyon ng isang video na nagpapakita ng isang grupo ng kababaihan na nagsasayaw din ng twerk sa memorial sa Black Sea.
Ang twerk o werking ay isang sexually provocative na sayaw na ginagamit ng paggiling ng balakang.
Batay sa dessiyon ng prosekusyon, ang limang kababaihan ay napatunayang guilty sa ‘hooliganism’ at ang dalawa ay hindi na ipinakulong dahil sa kanilang masamang kalagayan ng kalusugan. Ang kasong hooliganism ay nagdala sa dalawang miyembro ng punk band na Pussy Riot sa pag-kabilanggo ng dalawang taon para sa kanilang impromptu protest sa pangunahing Katedral sa Moscow noong 2012.
Sinabi rin ng prosekusyon na kakasuhan nila ang mga magulang ng isang underage girl na nagsayaw din ng twerk kasama iyong ibang mga babae dahil sa “failure to encourage the physical, intellectual, physiological, spiritual at moral development of a child.”
Kinalap ni Tracy Cabrera