Wednesday , November 20 2024

‘Living Goddess’ ng Nepal, nakaligtas sa lindol

050415 nepal

NANG tamaan ng malakas na lindol ang bansang Nepal nitong nakaraang linggo, naghahandang tumanggap ng mga deboto ang siyam-na-anyos na batang babaeng sinasamba bilang ‘buhay na diyosa’ sa Durbar Square sa Kathmandu.

Habang yumayanig ang lupa, nagsibagsakan ang mga sinaunang templo at estatuwa ngunit nakaligtas ang tahanan ng ‘living goddess’ o Kumari, na ilang crack lang sa mga haligi ng gusali ang pinsala.

“Prinotektahan niya tayo,” pahayag ni Durga Shakya, ang 55—anyos caretaker ng tahanan ng Kumari, na tulad ng kanyang entourage ay nagmula sa indigenous community ng Newar community sa Kathmandu valley.

“Iligid ang tingin, intact ang tahanan ng Kumari. May maliit na crack sa kabilang bahagi, at wala nang iba pang nangyari,” ani Durga sa AFP.

“Kahit sa loob, walang anumang bagay na bumagsak, maa-yos naman ang lahat.”

Naninirahan ang Kumari, isang pre-pubescent Newar girl, nang nag-iisa sa kanyang malinggit na palasyo at nagpapakita lamang sa panahon ng kapistahan para siya ay iparada sa Kathmandu suot ang ceremonial dress.

Ang popular na tradisyon ay kombinasyon ng mga element ng Hinduismo at Buddhismo at ang criteria sa pagpili sa kanya ay lubhang mahigpit.

Ayon sa mga pari rito, para maging Kumari, may bilang ng specific physical attributes ang napiling dilag, kabilang ang katawang walang bahid o pekas, dibdib na para sa leon at mga hitang tulad ng sa usa, kung mayroon nang ganitong katangian, kailangan din magpakita ng katapangan sa pamamagitan ng hindi pag-iyak kapag nasa harap ng isinasakripisyong kalabaw.

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *