TEACHER: Juan, sino pumatay kay Jose Rizal?
JUAN: Aba!? Hindi ako ma’am!
TEACHER: Loko ka talaga!!! Niloloko mo ba ako?
JUAN: Aba Ma’m, hindi nga po ako!
TEACHER: Aba, loko ka talaga!!! Sige, umuwi ka ngayon din at papuntahin mo ‘yung tatay mo rito!
(Umuwi sa bahay si Juan at nakita ang tatay niya.)
JUAN: Tay, pinapupunta kayo sa school ng teacher ko…
TATAY: Aba!? Bakit daw?
JUAN: Ewan ko ho… Tinatanong po kasi sa akin kung sino raw pumatay kay Jose Rizal…
TATAY: Teka teka!!! Hindi ako ‘no!!! Ba-kit ako?
JUAN: E pinapupunta ho kayo e…
TATAY: E hindi nga ako e!!!
(Dumating si Lolo at nagsalita.)
LOLO: Bakit kase hindi umamin ang isa sa inyo kung sino talaga ang pumatay…