TIKOM muna ang bibig ng dating PBA player na si Vince Hizon tungkol sa tsansa niyang maging bagong komisyuner ng Philippine Basketball Association.
Isa si Hizon sa apat na kontender na natitira para sa puwestong iiwanan ni Chito Salud sa pagtatapos ng PBA Season 40 sa Agosto, kasama na rito sina Chito Narvasa, Rickie Santos at Jay Adalem.
“All of us candidates are not allowed to discuss about this until the process is done,” wika ni Hizon.
Inaasahang sa Mayo 15 na malalaman kung sino ang magiging bagong komisyuner habang si Salud ay magiging pangulo at chief executive officer ng PBA.
Sa ngayon ay inaasikaso muna ni Hizon ang pagiging komisyuner ng bagong ligang Filsports Basketball Association at katunayan, nais nitong makatulong sa mga manlalarong nais makapasok sa PBA balang araw.
“Some PBA coaches are asking me about players in the FBA because of their potential to be in the PBA,” ani Hizon. “People are slowly realizing how different our league is and how it is professionally run. This is a platform for players to develop their skills not just for PBA, but also for the national team.”
(James Ty III)