INI-HOSTAGE NI DON BRIGILDO ANG MAG-INA NI RANDO WALA SIYANG MAGAWA
“Ang sabi ko, pagkatapos ng laban mo, ipahahatid ko agad ang mag-ina mo sa inyo… Manalo o matalo ka man, ibabalik ko sila sa ‘yo. Maliwanag ba, bata?” pagbibigay-diin ni Don Brigildo.
Malinaw ang mensahe ng may-ari ng plantasyon na kanyang pinaglilingkuran. Hawak nito ang buhay ng asawang si Leila at ng sanggol pa nilang anak. At wala siya magagawa upang salungatin ito. Labag na labag man iyon sa kalooban niya.
Araw ng kapistahan. Katindihan pa ng init ng araw nang dakong alas-tres ng hapon. Pinakikislap-kislap ng sikat niyon ang ma-kikisap na banderitas na nangagsabit sa mga kalye hanggang sa kasuluk-sulukang mga eskinita. Tuloy-tuloy sa pagpapasinaya ang isang grupo ng mga ati-atihan, walang tigil sa pagtambol-tambol. Makapal na ang tao sa palibot ng pantay-taong entablado, si-yang-siya sa panooring itinatanghal sa ibabaw niyon. May nagpapatawang dalawang emcee-comedian. Nagpakitang-gilas ang mga kabataang babae at lalaki na nagpasirko-sirko sa pagsasayaw. Sinundan iyon ng pagkanta ng isang sexy star na inimporta pa sa Maynila. Sa plasa ng sentrong bayan gaganapin ang espesyal na Grand Matira Ang Matibay. Katapat ng entablado ang ruwedang pagsasagupaan ng mga kalahok sa paligsahan.
Pamaya-maya, inianunsiyo ng dalawang emcee-comedian ang pagdating doon ni Don Brigildo, ang hermano mayor sa idi-naraos na kapistahan at nag-isponsor sa paligsahan ng mga barakong kalalakihan. Umakyat sa entablado at naupo sa isang sil-ya sa hanay ng mga upuang inilaan sa malalaking panauhin. Hindi nagtagal, pumaroon na rin sa entablado si Mr. Rojavilla kasama ang mga kilalang politiko at negos-yante na nagpaunlak sa imbitasyon ni Don Brigildo.
Pumagitna sa entablado ang dalawang emcee-comedian na nagsabing ilang sandali na lang at uumpisahan na ang Grand Matira Ang Matibay. (Itutuloy)
ni Rey Atalia