WALA nang mas may alam pa sa modern boxing kay Teddy Atlas.
Nagawa nang umupo sa corner ng sikat na trainer at commentator para sa hindi mabiliang na mga laban sa kampeonato kung kaya ang kanyang mababangis na pag-aaral sa bawat malaking sagupaan ay talagang kina-bibiliban sa nakalipas na 20 taon.
Kamakailan, hinimay ni Ginoong Atlas ang tinaguriang ‘mega-fight of the century’ para sa Maxim, at sinabi kung ano ang dapat gawin ng magkatunggaling boksingero para manalo, at kung sino ang pinaniniwalaang magwawagi sa binansagang na ‘Battle for Greatness.’
PAANO MANANALO SI MAYWEATHER?
“Maaaring manalo si Mayweather sa pamamagitan ng counterpunching—gawing atake at depensa. Isa siyang defensive fighter na ginagamit sa kanyang advantage ang mga pagkakamali ng kanyang kalaban.
“Aabangan ni Mayweather ang kanyang counterpunch kay Pacquiao sa tamang oras, babato ng ka-nan kapag naging agresibo at hindi nag-ingat si Pacquiao. Aatras si Mayweather para magkaroon ng gap, hahamuning pumasok si Pacquiao. Magagamit niya i-yong mga gap para gamitin ang kanyang kanan kamay.”
PAANO MANANALO SI PACQUIAO?
“Dala ni Pacquiao ang angking husay sa boxing para sumayaw—bilis ng kamay, mga kombinasyon at bilis din ng paa. Magka-counterpunch siya sa counterpuncher. Magpi-feint para mapaaga ang suntok na ka-nan ni Mayweather at mawala sa tiyempo, at doon siya hahataw ng kaliwa, ang pamatay ng isang kaliwete. Maaaring magtiwala nang labis si Mayweather sa ga-ling niyang dumipensa para umiwas nang labis sa kinakailangan, doon siya mapupuruhan ni Pacquiao.”
PREDIKSYON NI TEDDY: PACQUIAO BY DECISION
“Magkakaroon si Manny ng mas maraming tsansa para lamangan si Floyd.”
Kinalap ni Tracy Cabrera