Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Official weigh-in: Floyd 146, Pacman 145

050315 pacman floyd weigh in

ITINAAS ni Manny Pacquiao ang da-lawang kamay sa harap ng nagbubunying fans na dumagsa sa official weigh-in sa MGM Grand kahapon. Waring nayanig naman si Floyd Mayweather sa lakas ng sigawan ng fans.

 

WALANG naging problema sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. nang sumalang sa official weigh-in sa harap ng 16,000 fans na dumagsa sa MGM Grand.

Tumimbang si Floyd sa official weight ng 146, samantalang si Pacquiao ay may 145 pounds na may 2 pounds below the welterweight limit.

Naging parang piyesta sa kasiyahan ang nasabing pagtitimbang ng magkalaban sa tinaguriang Fight of the Century. Ipinakita ng kani-kanilang fans ang suporta sa pamamagitan ng nakayayanig na palakpakan at sigawan nang aktuwal nang tinitimbang ang dalawang boksingero.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ng mga nakasaksing fans sa makasaysayang bahagi ng laban ng dalawang popular na boksingero. Pero sa isang bahagi ng kasaysayan, nagdiriwang din sa labas ng MGM Grand ang mga SCALPERS na tumiba doon pa lang sa isang bahagi ng laban.

Balitang ibi-nibenta sa black market ang tiket para sa offcial weigh in sa halagang $150 na la-bing limang doble sa itinakdang pres-yo ng organizers na 10 dollars.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …