NAKAABANG si Kamatayan sa pagpanaw ng boxing. Maraming boksingero ang namatay sa ring… at ang mga sumusubaybay nito’y hinihintay ang paglilibing nito. Pero labis ang patutsada ng mga kritiko ukol sa pagpanaw ng sport.
Maaari nga bang patay na ang boxing samantala bukas lang ay maghaharap ang dalawang boxing icon na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., para sa labang binansagang richest sa kasaysayan?
Hindi nga ba nag-aagawan ang mga celebrity at milyonaryo para makabili ng ticket na nagkakahalaga ng US$100,000 para sa ringside?
Milyon-milyon din ang naglaan ng US100 para sa pay-per-view upang mapanood ang dalawang mandirigmang magpapalitan ng suntok sa itinuturing nilang tunay na Grudge Match.
“We should see a classic fight on a classic night,” prediksyon ni dating light heavyweight champion Antonio Tarver. “It should go down in boxing folklore as one of the greatest fights of all time.”
Kaya paanong patay na ang boxing kung ang laban nina ‘Pacman’ at ‘Money’ most important fight ng sport?
“Muhammad Ali was always my greatest fighter, OK?” pahayag naman ni Hall of Fame referee Richard Steele. “But Muhammad Ali lost five times. If Floyd wins this fight, he’s the all-time greatest because he’s never lost.”
Paano nga bang patay na ang boxing kung ang resulta nito’y pinakamalagim sa sports?
“A lot of people are afraid of boxing because boxing is not a game. You can play any other sport you want to play, but you cannot ‘play’ boxing,” punto ni dating super middleweight champion Thomas Hearns. “This hurts. You got to be fearless.”
Ang sagupaan bukas ay pagbibigay buhay sa boxing sa huling pagkakataon. Ito’y pag-cash in ni Mayweather sa lottery ticket na kanyang minana mula kay Jack Johnson, Joe Louis, Sugar Ray Robinson at Ali. Ito’y isang pagdiriwang, at kalaunan, ang paglilibing sa isang larangan ng palakasan na ang pinagmulan ng halaga nito sa kultura ay mula dilemma ng lahing puti at itim sa Amerika.
Ang totoo, si Kamata-yan ang pumatay sa boxing. Partikular ang tatlo: kina Charlie Mohr, Benny Paret at Jim Crow.
Noong Abril 9, 1960, sa harap ng 10,000 fans sa taunang NCAA national boxing tournament, nagpakawala ng matinding ka-nan si Stu Bartell ng San Jose State sa sentido ni Charlie Mohr ng Eisconsin State. Matapos ang laban, bumagsak si Mohr habang nasa loob ng dressing room at isang linggo makalipas, binawian ng buhay sa University of Wisconsin hospital.
Noong Marso 24, 1962, sa Madison Square Garden at popular na ‘The Fight of the Week’ ng ABC, na-corner ni Emile Griffith si Benny ‘Kid’ Paret at pinagsu-suntok sa ulo sa loob ng 20 segundo. Nang ipatigil ng referee ang laban, tumiklop ang katawan ni Paret at dahil sa remedy blood clots sa utak ay namatay sa kabila ng tangkang pagsagip ng mga doktor. Si Paret ang ika-apat na boksingerong namatay sa loob lamang tatlong buwan.
Tulad naman nina Mohr at Paret, si Crow ay namatay matapos matalo sa una at huling laban niya sa boxing.
Kinalap ni Tracy Cabrera