Monday , December 23 2024

Pacquiao-Mayweather ipapalabas sa tatlong higanteng network

050215 pacman mayweather

MAGIGING makasaysayan ang pinakahihintay na laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. bukas sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas dahil magsasanib-puwersa ang tatlong higanteng istasyong ABS-CBN, GMA Network at TV5 sa pagsasahimpapawid ng buong fight card na via satellite.

Magsisimula ang sabay na pagsasahimpapawid ng “ Battle for Greatness” sa alas-diyes ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Ang Solar Entertainment Corporation ay may hawak ng karapatang isahimpapawid ang laban sa Pilipinas at ang pangulo at CEO nitong si Wilson Tieng ang nagtrabaho para mangyari ito sa tulong mismo ni Pacquiao dahil nais ng Pambansang Kamao na sabay-sabay na panoorin ng lahat ng mga kababayan niya ang laban sa tatlong istasyon.

“Manny played an important part to put this thing together. Solar Sports can only take part of the credit. It’s still Congressman Manny who made this possible,” wika ni Tieng.

Matagal na naging maganda ang samahan ng Solar sa tatlong istasyon dahil ang mga laro ng NBA ay palabas sa ABS-CBN samantalang sa GMA napanood ang mga dating laban ni Pacquiao.

Nagsanib naman ang Solar at TV5 sa pagpapalabas ng FIBA Asia Championships at FIBA World Cup kung saan tampok ang Gilas Pilipinas mula sa PBA.

“Salamat sa kanilang pagkakaisa upang maipalabas ang ating laban,” ani Pacquiao.

Sa radyo ay maririnig ang laban nang live sa Super Radyo DZBB at Barangay LS FM ng GMA samantalang may live pay-per-view ang Skycable at ABS-CBN TV Plus, pati na rin ang Cignal TV na pagmamay-ari ng TV5.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *