UMAASA si boxing le-gend Sugar Ray Leonard na maaksyon ang laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa darating na Mayo 2 (Mayo 3 sa PH time), at hindi pa umano magtataka kung magkaroon ng maagang knockout sa binansagang ‘mega-fight of the century.’
“Nakikita ko ang maagang knockdown,” ani Leonard sa panayam ng ESPN.com.
“Pareho silang tight at wound up, at magre-react sa mga head fake,” paliwanag pa ng dating world super middleweight champion. “Hindi ako magugulat kung magtala ng maagang knockout—marahil sa third, fourth, o fifth rounds.”
Excited si Leonard na mapanood ang showdown ng dalawang pound-for-pound king, na binansagan niyang “Mas mahalaga pa kaysa kanilang buhay, career at lahat bagay.”
“Ang laban ay tungkol sa bragging rights. Ito’y tungkol sa legacy. Ito’y tungkol sa kasaysayan,” punto ni Leonard. “Natiti-yak ko, kung ano man ang kanilang sinasabi ukol sa laban o hindi sila ninenerbiyos, hindi sila nagsasabi ng katotohanan.”
Samantala, dinalaw naman ni Ultimate Fighting Championship (UFC) women’s bantamweight champion Ronda Rousey si Manny Pacquiao habang nagsasanay ang Pambansang Kamao sa kanyang training camp sa Los Angeles.
Kilala si Rousey bilang masugid na Pacquiao fan, at nakasuporta ang sikat na UFC champion sa laban ni Pacman sa Mayo 2 kontra sa walang pang ta-long Floyd Mayweather Jr.
Sa Twitter account ng People’s Champ, makikita ang larawan ni Pacquiao na kasama si Rousey noong dumalaw ang huli para batiin at bigyan ng suporta.
Si Rousey ang latest celebrity na dumalaw kay Pacquiao.
Kabilang sa iba pang mga sikat na personalidad na sumusuporta kay Pacman ang actor na si Mark Wahlberg at dating former National Football League player Tim Tebow.
ni Tracy Cabrera