PARA sa mas matatag at malapit na relasyon, ilagay ang dalawang kandila sa south-west part ng bahay. Susuportahan ng fire chi ng kandila ang soil chi sa south-west, kaya mas mararamdaman ang pakiramdam na ito.
Upang maging malinaw ang pag-iisip at upang pumasok sa inyong pamumuhay ang magandang pananaw, magsindi ng kandila sa north-east part ng bahay. Susuportahan ng fire chi ang soil chi sa north-east. Dito ay maaari kang mag-meditate habang nakatingin sa kandila habang nakaharap sa north-east.
Upang mapatindi ang romansa, maglagay ng isang pares ng kandila sa west part ng bahay. Ilagay ang kandila sa clay holders upang magkaroonng sapat na soil chi na magbubuo ng harmonious relationship sa pagitan ng chi ng kandila at metal chi sa kanluran.
Ang tanawing apoy at tubig ay maaaring maging nakapa-dramatic, at ang lumulutang na kandila sa bath ay nagpoprodyus ng epektong ito. Maaari ring maging stimulating ang water feature kasama ng kandila. Upang maging harmonious ang elemento ng apoy at tubig, magdagdag ng wood chi sa pamamagitan ng paglalagay ng feature na ito sa silangan, o ilagay ang kandila sa wooden boats.
ni Lady Choi