Tuesday , November 19 2024

Ang Zodiac Mo (May 01, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Masigla ka ngayon kaya naman para kang kiti-kiti sa pagiging malikot, bunsod nito posibleng ikayamot ito ng isang tao sa iyong paligid

Taurus (May 13-June 21) Masyado mong napagtuunan ng pansin ang mga bagong kaganapan kaya naman mababalewala mo ang talagang mahalaga para sa iyo.

Gemini (June 21-July 20) Magiging maganda ang pakikipagtalakayan ngayon, posibleng mag-iba ang iyong pagtingin sa ilang mga isyu.

Cancer (July 20-Aug. 10) Hindi ka man mayaman, ngunit minsan nakararanas ka naman ng marangyang mga pagtitipon.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Naniniwala ka sa iyong sarili at ang iyong kakayahan ay nagagamit mo ngayon, kaya naman madali mong natatapos ang iyong mga sinimulan.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Marami kang dapat ipagmalaki, ngunit medyo mag-relax ka muna ngayon, at hayaan namang magningning din ang bituin ng iba.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Bagama’t mas nais mong mapag-isa at hayaang mangyari ang mga posibleng mangyari, dapat mong tiyaking nakikipag-ugnayan ka pa rin sa mga tao.

Scorpio (Nov. 23-29) Maging maingat sa pakikisalamuha sa iyong mga kaibigan at pamilya ngayon, madali para sa kanila na tapakan ang iyong ego.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ito ang tamang panahon para mag-aral ng foreign language, pag-aralan mo rin ang ibang kultura, o kung maaari, magplano ng biyahe sa ibang bansa.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maayos naman ang iyong buhay ngayon, ngunit dapat ka pa ring kumilos upang maging maganda ang takbo ng lahat ng bagay.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Dapat mong ipakita sa mundo na iniwan mo na ang pagiging makaluma.

Pisces (March 11-April 18) Hindi maikakaila ang iyong independent spirit, ngunit hindi ito mapapansin hangga’t hindi mo ipinakikita.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Kung magpupumilit kang igiit ang iyong sarili, baka isipin nilang masyado ka nang nagyayabang.

 

ni Lady Dee

About hataw tabloid

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *