Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Ganador (Sa Mundong Parisukat ng Tao) (Part 24)

00 ganadorNAGKITA SINA RANDO AT KING KONG SA PAMAMANSING SA TABING ILOG

Pero hindi pala solo ni Rando ang kapaligiran. May mga kalalakihang namimingwit ng isda sa ilog. Isang pamilyar na anyo ang natanaw niya. Lumapit siya sa kina-roroonan ng mga nangangawil. Si King Kong nga ang kakilala niya sa tatlong kalalakihan. At karaka siyang nginitian nito sa paglalahad ng palad.

“Kumusta, ‘Bay?” anito sa pakikipagkamay.

“Mabuti naman, ‘Bay?” tugon niya.

“Heto, naglilibang nang konti… Bakasyon ng eskwela, e,” si King Kong, masaya ang bukas ng mukha.

Inusyoso niya ang pamimingwit ng lalaking nakasagupa niya sa ruweda noong nakaraang Grand Matira Ang Matibay. Ma-tiyaga at mahinahon sa panghuhuli ng mga buhay na biyayang-ilog. Sabagay nga, naisip-isip niya, sa pagiging isang guro ay kinakailangan talaga nitong maging matiyaga at mahinahon, lalo’t makukulit at pa-saway ang mga batang tinuturuan.

“Mahirap din pala’ng mamingwit,” ang naisatinig niya kay King Kong.

“Medyo…” anitong lumingon sa kanya. “Pero, ‘Bay, mas mahirap ang papel ng bulateng pain sa sima ng bingwit.”

Napatitig siya kay King Kong na mukha namang seryoso. At idinugtong agad nito:

“E, si Don Brigildo?… Siya ‘yung namimingwit ng pansariling kasiyahan. Kesehodang may magkalinsad-linsad na buto o may magbuwis ng dugo at buhay sa gitna ng ruweda.”

“Ganoong kasadista si Don Brigildo,” sabat ng matandang lalaking kasama ni King Kong. “Ang demonyo kasi kung minsan ay nagsasaanyong tao…”

“Ikaw, Ganador? Kelan ka kaya makakawala bilang pain sa sima ng bingwit ni Don Brigildo?” tanong kay Rando ng isa pang may edad na lalaking humigit sa tansi ng pamingwit sa tubig-ilog matapos sagpangin ng isda ang pain niyon.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

roach

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …