INAASAHANG darating sa Biyernes, Mayo 1, ang Amerikanong import ng Barangay Ginebra San Miguel na si Orlando Johnson, ayon sa kanyang ahenteng si Sheryl Reyes.
Si Johnson ay may taas na 6-5 at dating manlalaro ng Indiana Pacers sa NBA mula 2012 hanggang 2014.
“I have a never-say-die attitude,” wika ni Johnson. “Whenever my back is against the wall, I think that’s when I perform my best. That’s when I lock in the most. I think those are attributes that come from family and my city. All of the things I went through shaped me into the man I am today and continue to push me to be better and work harder.”
Makakasama niya sa Gin Kings ang Mongolian na si Sanchir Tungala.
Samantala, puspusan ang ensayo ng Ginebra sa ilalim ng bagong head coach na si Frankie Lim.
Ayon sa isang utility staff ng Kings, natutuwa ang mga manlalaro sa ipinakitang disiplina ni Lim sa ensayo at halos lahat sila ay napipilitang kumayod para makabawi ang koponan sa PBA Governors’ Cup na magsisimula sa Mayo 5.
Unang kalaban ng Kings ang Alaska sa Mayo 8. (James Ty III)