MALAKI ang kompiyansa ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao na kaya niyang talunin ang wala pang talong si Floyd Mayweather Jr., sa pama-magitan ng kapangyarihan ng Panginoong Diyos, matapos abandonahin ang ligaw na landas at magbalik-loob sa Maykapal.
‘In top form’ sa isip at espirituwal ang Pinoy boxing icon, ayon sa kanyang spiritual adviser na si Jeric Soriano. Sa pagbabalik-loob sa Diyos ay iniwan ni Pacman ang paglalasing, pagsusugal at pambabae upang maitalaga ang buhay sa panalangin at pagiging tapat sa kanyang pa-milya.
“Manny is a God-fearing man. Inside his heart of hearts he really loved God. Except the world got to him,” ani Soriano sa panayam kamakailan.
Inaasam ngayon umano ni Pacquiao na maging isang pastor at kasalukuyang nagpa-patayo ng 6,000 metrong kuwadradong ‘worship house’ sakanyang southern Philippine hometown General Santos bilang dambana ng kanyang muling pagsilang sa espirituwal na pananalig.
Sa tulong ni Soriano, na-convert si Pacquiao sa pananampa-latayang born-again, na sadyang umiiwas sa ilang mga tradisyong Katoliko tulad ng mga pagbibigay galang sa mga imahe at sa halip ay isinusulong ang taimtim na pagsunod sa Banal na Aklat.
“Ngayon ay nagpapa-tayo siya ng isang simbahan, na tatawaging ‘The Word for Everyone,’ na kayang pasilu-ngin ang 5,000 katao,” ani Pastor Boy Buan na siyang na-ngangasiwa sa construction nito.
Noong 2012, inamin ni Pacquiao ang kahinaan niya sa mga pagsubok na nagdala sa kanyang bumigay sa tukso.
“I do realize I was a weak person before. If I had died the other year, I believe my soul would have ended in hell,” pahayag ng People’s Champ.
“I had faith, but I was doing things which were against the will of God,” dagdag niya.
Ayon kay Soriano, nakumbinsi siya sa katapatan ni Pacquiao sa pananampa-lataya matapos magpatuloy sa kanyang pananalig sa Di-yos kasunod ng kanyang pagkatalo kay Timothy Bradley noong 2012.
“He got it. He didn’t throw Jesus away. He didn’t see Jesus as a lucky charm. I knew it was real,” punto ng spiritual adviser.
Ilang linggo lang ang nakalipas, tumawag umano si Pacman kay Soriano bandang alas-2:30 ng madaling araw.
“He said, Pastor how are you? I am not worried. I am not stressed in this fight. God will bless me with favour. Victory belongs to us,” kuwento ni Soriano.
“The Lord, my God that I am serving will deliver him into my hands,” wika ni Pacquiao sa Twitter.
Kinalap ni Tracy Cabrera