Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Ganador (Sa Mundong Parisukat ng Tao) (Part 23)

00 ganadorIKINATIGATIG NI RANDO ANG MGA BABALA NI MANG EMONG, ANG KATIWALA NI DON BRIGILDO

Nakasama siya ng iba pang sakada sa paghahawan doon ng kumakapal na tubo ng mga damo at kugon. At sa dakong hapon naman ay kanilang pinagsasama-sama ang mga natuyong sukal upang sabay-sabay na sunugin. Sa lawak ng plantasyon, halos isang buwan ang nagugol nila sa paglilinis sa pataniman ng tubo.

Namataan agad ni Rando ang paglapit ni Mang Emong. Napailing-iling at napakamot-kamot ito sa ulo. Hinarap siya nito na astang tila nagsesermon.

“Bata, ‘wag matigas ang ulo… Dapat ay nagsisimula ka ng magpakondisyon ng katawan mo,” wika ng matandang katiwala.

“Hindi na po magbabago ang pasiya ko, Tata…” paninindigan niya.

“Bahala ka, bata… Pero titiyakin ko sa ‘yo na kagustuhan pa rin ni Boss ang masusunod,” pagbibigay-diin ng matandang lalaki.

“Karapatan ko po ang tumanggi sa isang bagay na hindi ko gusto…” aniya sa matigas na tinig.

“Sige, okey lang…Basta’t ‘di ako nagkulang ng paalala sa ‘yo, ha, bata?” pagkiki-bit-balikat ni Mang Emong.

Ikinatigatig ni Rando ang mga pana-nalitang iyon ng katiwala ni Don Brigildo. Tila kasi may babala ang pilantik ng dila nito. Pero hindi nga lang niya makapa sa isip ang kahulugan niyon.

Hindi na siya tinokahan ng trabaho ni Mang Emong. Gusto talaga ng katiwala ni Don Brigildo na paghandaan na lamang niya ang nalalapit na okasyon na gagana-pin sa pistang-bayan.

Nagpalikwad-likwad siya sa labas ng plantasyon. Pinalipas niya ang mahabang oras sa pagmamasid sa magagandang tanawin doon. Naupo siya sa lilim ng punongkahoy sa tabing-ilog. At kinainggitan niya ang mga ibon doon na malayang nagliliparan sa himpapawid.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …