Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mega-earnings para sa mega-fight

040715 pacman floyd mgm

NAGSIMULA na ang countdown sa showdown sa Mayo 2 (Mayo 3 PH time) sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. — ang binansagang ‘Fight of the Century’ na umaabot sa US$400 milyon halaga at may puwang sa pantheon ng ‘greats’ sa larangan ng boxing.

Mahigit limang taon din pinag-usapan at pinagtalunan hanggang maisakatuparan, ito’y epic clash ng magkakaibang estilo at personalidad, na pinaghaharap ang craftsmanship at defensive savvy ni ‘Money’ Mayweather kontra sa bilis at lakas ng kaliweteng kampeon ng Sarangani, na itinuturing din Pambansang kamo ng mga Pinoy.

Nakatayang basagin ng welterweight world title unification ang maraming boxing record para sa worldwide viewership at revenue, sa inaasahan ni Pacquiao promoter Bob Arum na kikitain nitong aabot sa mahigit US$400 milyon.

At sa hatiang 60-40 split na pabor kay Mayweather, kikita ang American pound-for-pound king ng nakalululang US$150 milyon habang si Pacman naman ay nasa US$100 milyon lamang.

Sa ticket sales, ang 500 para sa mauupuan sa 16,800-capacity MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas na ibi-nebenta nang direkta sa publiko at face value ay nagkakahalaga mula US$1,500 hanggang US$10,000, at naubos ng ilang minuto lang.

Sa ngayon, ibinenta ng mga promoter ang 10,000 ticket sa weigh-in ng dalawang kampeon nitong Bi-yernes ay nagkahalaga ng US$10 bawat isa.

Nakapagpataas din ng interes ng buong mundo sa laban ang nakahihilong financial figures at mga celebrity sideshow para mabig-yan ito ng cross-over appeal. Nag-focus din ang build-up sa mega-fight frenzy ng iba’t ibang mga detal-ye mula sa custom-made mouth guard ni Mayweather na binudburan ng mga brilyante at ginto, hanggang sa US$2 million-plus na kikitain ni Pacquiao mula sa mga advertising na inilagay sa gagamitin ni-yang trunk sa sagupaan.

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …