NANINDIGAN na ang tunay na Floyd Mayweather Jr.
Lumihis sa normal na ‘trash talk’ sa nakalipas na mga araw, nagbalik ang wala pang talong pound-for-pound king ng Estados Uni-dos sa dating imahe sa panayam ni Stephen A. Smith ng ESPN.
Ayon sa Amerikanong kampeon, haharapin niya ang Pinoy boxing icon na si Manny Pacquiao para tapusin ang isyu ng kung sino ang tunay na pound-for-pound champion ng daigdig matapos aminin na kung minsa’y siya mismo ay hindi na ‘impressed’ sa kanyang sari-ling mga panalo. May unblemished record si Mayweather na 47-0.
“Hindi ko lang gustong manalo,” wika niya sa SportsCenter special. “Gusto kong gawin ito sa pinakamagandang paraan. Gusto kong gawin ito nang may class at grace.”
Nang sabihin na pahiwatig iyon ng posibleng knockout, napahagikhik si Mayweather at dumugtong nang direkta: “Isang bagay (kay Pacquiao), hindi siya magsu-survival mode tulad ng ginagawa ng iba kapag nakaharap niya si Floyd Mayweather.”
Nagpatuloy si Mayweather, na kilala rin sa kanyang alyas na ‘Money,’ na ibenta ang sarili bilang ‘the best ever’ sa larangan ng boxing.
“Walang nag-brainwash sa akin para maniwalang sina Sugar Ray Robinson at Muhammad Ali ay mas magaling kaysa akin,” aniya. “Walang makapagbe-brainwash sa akin para sabihin ‘yan.”
“Inirerespeto ko sila dahil sila ang nagbigay ng daan (para sa akin) na makarating sa aking kina-roroonan ngayon. Pero para sa akin, para ibigay sa sport ang buong buhay ko . . . para sabihin na may mas magaling kaysa akin, hin-ding-hindi,” pagtatapos ng American champ.
Kinalap ni Tracy Cabrera