Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Game Seven

020415 PBATODO na pati pato’t panabla ang magiging diskarte ng Rain Or Shine at Talk N Text sa kanilang huling pagkikita sa Game Seven ng PBA Commissioners cup finals mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Naitabla ng Rain Or Shine ang best-of-seven serye sa 3-all matapos na magwagi sa Game Six, 101-93 nong Linggo. Ang Elasto Painters ay nanaig din sa Game Two (116-108) at Game Three (109-97).

Nanalo naman ang Tropang Texters sa Game One (99-92), Game Four (99-92) at Game Five 9103-94).

Kung magwawagi ang Rain or Shine mamaya ay maiuuwi ito ang ikalawang kampeonato sa kasaysayan ng prangkisa. Kung mananalo ang Talk N text ay makukuha nito ang ikapitong korona nito.

Binulaga muli ng Talk N Text ang Rain or Shine at lumamang 8-0 sa umpisa ng Game Six, Pero nakabawi kaagad ang Elasto Painters sa pamamagitan ng magandang depensa upang makuha ang first quarter, 23-18. Umangat pa sa 54-42 ang abante ng Elasto Painters sa halftime.

Nagbida para sa Rain or Shine sina Wayne Chism at Raymond Almazan na kapwa gumawa ng tig-18 puntos. Bukod dito, si Chism, na best Import ng conference, ay nagtala ng 24 rebounds, dalawang assists, dalawang blocked shots at isang steal. Nagdagdag ng 10 rebounds si Almazan.

Ipinagpag naman ni Paul Lee ang sprained angkle at nagtapos nang may 16 puntos, limang assists, tatlong steals, dalawang rebounds at isang blocked shot sa 32 minuto. Si Jeff Chan, na hindi sana lalaro sa serye bunga ng plantar fasciitis injury, ay gumawa ng 11 puntos sa 11 minuto. Isa ang Elasto Painter, ang rookie na si Jericho Cruz, ay nagtapos nang may 10 untos.

Dahil sa depensa ng Rain Or Shine, si TNT import Ivan Johnson ay nalimita sa anim na puntos buhat sa 2-of-9 field goal shooting sa 32 minuto.

Sa kabuuan ay nalimita ng Rain Or Shine ang Talk N Text sa 32-sa-80 field goal shooting para sa 40 percent na ikalawang pinakamababang output ng Tropang Texters sa serye.

“We hope we can sustain the same defensive intensity in Game Seven in order to win the title,” ani RoS coach Joseller “Yeng’ Guiao.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …