Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang mga off-track betting stations at ang mga machine tellers

00 dead heatANG MGA Off-Track Betting Stations (OTBs) ay isa sa mga factor na nagpapalakas o nagpapalaki sa betting sales ng tatlong karerahan dito sa ating bansa. Kung walang outlet na OTBs ang tatlong karerahan tiyak mahina ang magiging sales sa betting.

Kung maraming OTBs dito sa ating bansa, mas maraming kikitain ang tatlong karerahan. Dapat ay magtulungan ang management ng tatlong karerahan ng Santa ana Park, San Lazaro Park at ang Metroturf Club upang gumanda at sumigla ang karera dito sa atin.

Sa ibang bansa tulad ng Canada at Australia na napuntahan ko ay malayong-malayo ang mga OTBs dito sa ating bansa. Doon ay maayos, magaganda at mamomonitor sa mga TV monitor ang mga karera sa iba’t-ibang bansa.

Iba ang sistema ng pananaya doon. Mabilis at walang palakasan doon sa mga mananaya. Kailangang PIPILA KA at walang puwedeng SUMINGIT sa pila. Ang mga machine teller doon WELL-TRAINED at MAGAGALANG.

Hindi kagaya dito sa ating bansa, may mga machine tellers ng OTBs na bastos at hindi nirerespeto o ginagalang ang mga mananaya. May mga sumisingit sa pila at madalas nag-rerelaks sa kanilang trabaho.

Sa mga machine teller ng mga OTBs sana ay iwasan ninyo ang MAGPASINGIT sa pila ng mga mananaya dahil baka ito ang pagmulan ng gulo.

Sa mga OTBs operator pagandahin at ayusin naman ang lugar ninyo upang mawili at dayuhin kayo ng mga ibang mananaya.

MALINIS AT MAAYOS NA LUGAR AY MAGANDANG PUNTAHAN!

oOo

SINO itong machine teller ng OTB na nakipagsagutan

O nakipag-away sa isang mananaya? Napakalakas daw nito sa may-ari ng nasabing OTB.

Marami nang mananaya ang nakaaway ng machine teller na ito at tila SUPER LAKAS talaga. Wala man lang aksiyong ginagawa ang ang may-ari ng OTB.

Sino raw ba ang dapat lapitan ng mananaya upang ireklamo ang mga machine teller na nakikipag-away sa mga mananaya?

Dapat bang patawan ng SUSPENSYON ang mga machine teller na gumagawa ng ganito?

oOo

Napanood ng Bayang Karerista ang tune-up ng mga kalahok sa darating na First Leg ng Triple Crown. Nagsitakbo dito ang mga kalahok na Cats Dream, Money Talks, Driven, Sky Hook at kopol entri nito na Hook Shot Miss Brulay, Court Of Honour at Wanderlust.

Nanalo dito ang kabayong Money Talks na nirendahan ni jockey R.O. Niu, Jr.

Sa May 17, 2015 hahataw ang First Leg ng Triple at kasabay nito ang 3rd Leg ng Press Photographers of the Philippines Charity Race.

ABANGAN PO NATIN ITO AT SUPORTAHAN PO NATIN!

oOo

Maging PABOR kaya ang muling pagbabalik sa radio ng live coverage ng karera ng kabayo? Makakatulong kaya ito upang tumaas ang SALES ng karera?

Hindi kaya maging pabor muli sa mga illegal na bookies ng karera ng kabayo ang live coverage sa radio at ito ay muling magpapabagsak sa sales ng karerahan.

ABANGAN PO NATIN!

oOo

SA LAHAT BUMATI SA AKING KAARAWAN MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!

 

ni freddie M. Mañalac

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …