HABANG nagpuputol ng mga damo si Bill Parker, 34, sa kanyang bakuran sa Gulfport, Mississippi, bigla siyang tinamaan ng 3.5-inch piece ng metal sa kanyang kaliwang nostril.
“At first I thought a rock had flew out and hit me and struck me in the face,” pahayag ni Parker, sa SunHerald.com. “It threw me back a little bit and it hurt real bad. I felt my face but I didn’t feel any disfiguring or anything. I saw blood, so I knew I got a bloody nose.”
Sa simula, inakala ni Parker na nabasag ang kanyang cheekbone, kaya nagpasyang magpasuri sa local hospital.
Natuklasan sa CT scan na isang thick wire ang nakatusok sa sinus cavity ni Parker, sa ibaba ng kanyang eye socket malapit sa kanyang jaw hinge.
“The metal had somehow made its way through a tangle of really important nerves and arteries and finally rested about a millimeter from both carotid artery and my jugular vein,” pahayag ni Parker, ayon sa ulat ng CBS News. “Guess it just wasn’t my time yet.”
Ang wire ay inalis sa loob ng 20 minutong operasyon, at makaraan ang dalawang araw ay nakabalik na si Parker sa kanyang trabaho bilang restaurant chef, ayon sa ulat ng ClarionLedger.comreports.
Kung dati ay nag-e-enjoy si Parker sa pagpuputol ng damo sa kanyang bakuran, sa ngayon, plano niyang mag-relax at hayaan ito sa iba, ayon sa Associated Press.
(THE HUFFINGTON POST)