ISANG green sea turtle ang nag-photobombed sa group picture ni Diovani de Jesus habang nagbabakasyon sa Apo Island, sa Filipinas kamakailan, ayon sa caption mula sa Caters, ang news agency na naka-base sa United Kingdom.
Sa kanyang blog, ipinaliwanag ni de Jesus, ang “shallow area” kung saan kuha ang larawan “is a feeding ground for sea turtles.”
“This is a reminder that humans and creatures like this gentle [sea turtle] can co-exist,” pahayag ni de Jesus.
Ang mga karanasang katulad nito ay posibleng hindi na maging madalas. Inihayag ng World Wildlife Federation “nearly all species of sea turtle are classified as endangered.”
Ang mga dahilan ng pag-unti ng bilang ng sea turtles ay pagkuha ng kanilang itlog, karne, balat at shells, pagsira sa kanilang tirahan at climate change. Bunsod ng global warming, nagbabago ang temperatura ng buhangin na naka-aapekto sa kasarian ng turtle hatchlings, ayon sa WWF. (THE HUFFINGTON POST)