Saturday , December 28 2024

‘I’m going to win’ —Mayweather

042815 floyd mayweather

AYON kay Floyd Mayweather Jr., may limang paraan para talunin ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

“There’s no way to beat me,” pahayag ng unbeaten pound-for-pound champion ng Estados Unidos. “(I’ll) choose the weight class, put him in front of me, I’ll beat him.

Ganito rin umano ang magiging mentalidad niya, dagdag ni Mayweather. “Put him in front of me, I’ll beat him.”

Binigyang rekognisyon din nito ang naunang mga kampeon sa boxing, tulad nina Sugar Ray Leonard at Muhammad Ali.

“I’m gonna respect those guys because these are the guys that paved the way (for me) to be where I’m at. But for me, to give a sport my whole life… to say there’s someone better than me, absolutely not,” aniya.

Ikinatuwa ni Mayweather ang unang pahayag ni Pacquiao na mas naging balisa at nangamba ang Pinoy ring icon nang kaharapin si ‘Golden Boy’ Oscar De La Hoya, ‘El Junito’ Miguel Cotto at ‘El Tornado’ Antonio Margarito kaysa susunod niyang superfight sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas sa Mayo 3.

“I’m glad,” dagdag ni Mayweather. “I want him to approach (the fight) just like that. Because the same motherf– that kicked his ass (Juan Manuel) Marquez? You seen what I did to him.

“I want him to approach it like he’s not nervous.”

Matatandaang pinabagsak ni Marquez ang People’s Champ nang walang pakundangang sinalubong ng eight-division champion sa kanang kamay ni ‘Dinamita’ patungo sa pagwawakas ng ika-6 na round noong 2012.

Sa kabilang dako, nagawang paluhurin ni Mayweather ang Mexican legend sa pagwawagi rito sa loob ng 12 rounds.

Ito umano ang gagamitin ni Mayweather para talunin si Pacman. “He tends to be careless sometimes, a flaw I plan to exploit,” aniya.”I’m going to win on May 2, I’m going to win.”

 

Kinalap Ni Tracy Cabrera

 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *