Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derrick Rose suportado si Pacman

042815 pacman rose

BAGAMA’T nasa kasagsagan sa paglalaro si Derrick Rose sa Chicago Bulls para sa NBA Playoffs, hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na bigyan ng suporta ang kanyang idolong si Manny Pacquiao para sa magiging laban nito kay Floyd Mayweather Jr sa May 2 (May 3 sa Pilipinas) sa MGM Grand sa Las Vegas.

Kahapon ay balita sa PhilBoxing na sinulat ni Homer D. Sayson na nagbigay ng Bulls jersey si Rose na pirmado nito para ipadala sa Pambansang Kamao na tanda ng kanyang pagsuporta sa nalalapit niyang laban kay Mayweather.

“Send Manny my regards and best of luck to him,” bilin ni Rose.

Matatandaang naging magkaibigan sina Rose at Pacman nang bumisita ang una sa Pilipinas ilang taon na ang nakararaan.

Hindi man makararating ang 3-time All-Star at 2009 NBA Rookie of the Year na si Rose sa venue ng laban ni Pacquiao, tiniyak niya na manonood siya sa pay-per-view para saksihan ang makasaysayang laban.

Laking pasasalamat ni Pacquiao nang matanggap ang jersey na ipinarating niya sa PhilBoxing.com.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …