DALAWANG laro sa Dubai ang tampok sa pagsisimula ng PBA Governors’ Cup sa Mayo 5.
Maghaharap ang Rain or Shine kontra Globalport sa Mayo 21 at ang Barangay Ginebra San Miguel kinabukasan sa pagbabalik ng liga sa Gitnang Silangan pagkatapos ng dalawang taon.
Bago nito, maglalaban ang Blackwater Sports at Alaska Milk sa Mayo 5 sa alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum at susundan ito ng sagupaang Meralco-Globalport sa alas-siyete.
Ito ang magiging pagbabalik ni Pido Jarencio sa pagiging coach ng Batang Pier.
Ang defending Governors’ Cup champion Purefoods Star Hotshots ay haharap sa NLEX Road Warriors sa Mayo 9.
Balik-Hotshots si Marqus Blakely bilang import.
Ang dalawang finalists ng Commissioner’s Cup na Rain or Shine at Talk ‘N Text ay maglalaban sa Hunyo 6 sa Bacolod City at kinabukasan ang Manila Clasico na duwelo ng Purefoods at Ginebra.
Bago nito, sa Mayo 10 ang unang laro ng Talk n Text sa Governors’ Cup kalaban ang Ginebra samantalang sa Mayo 12 sasalang ang Rain or Shine kontra Philippine Cup champion San Miguel Beer.
Tig-isang Amerikano at tig-isang Asyano ang magiging dalawang import ng bawat koponan sa Governors’ Cup na tatagal hanggang Agosto.
(James Ty III)