KADA harap sa kamera ni Floyd Mayweather Sr., tiyak na maraming buladas ang ibinibida niya.
Pero hindi mapapasubalian na siya ang humubog sa anak na si Floyd Jr para maging best fighter sa kasaysayan ng boksing sa mundo.
Nitong Sabado ay may bago siyang pahayag sa media. Minaliit niya ang bilis at lakas ni Manny Pacquiao. Ayon sa kanya, “Everything is good. My honest opinion, he’s just another opponent, no more no less. It’s always possible, but I would say impossible, it ain’t real. Unless you feel that way or think, it’s possible.”
Para sa mga miron ng boksing, si Pacquiao ang magiging pinakamahirap na asignatura ni Floyd Jr. sa ring. Pero para kay Mayweather Sr., wala sa level ng kanyang anak ang tinaguriang Pambansang Kamao.
“I’m not worried about Manny being nothing,” pahayag pa ni Mayweather Sr. “I don’t worry about his speed, power, and his thoughts his mind; he’s going to get his ass whopped. You know it as well as everyone else here.”
At sa panghuling pananalita ni Floyd Sr., minaliit din niya si Freddie Roach na siyang gumagabay kay Manny, “Freddie Roach is a joke you know that.”