Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baka maging harang ang labang Floyd-Manny?

040715 pacman floyd

00 kurot alexANG labang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather ang tinatayang pinakamayamang laban sa kasaysayan ng boksing sa buong mundo.

Inaasahan na masisira nito ang existing record sa pay-per-view buys, gigibain ng nasabing laban ang benta sa gates, siyempre pa ga-langit ang bayad sa magkaribal, etc., etc.

Pero ang tanong ng ilang miron na nakakaintindi talaga ng boksing—mahigitan kaya nila o mapantayan man lang ang init ng bakbakan na inirehistro ng mga mga kilalang boxers sa nakaraan tulad ng labang Muhammad Ali-Frazier sa Thrilla in Manila, Sugar Ray Leonard-Hitman Hearns at iba pa?

Komento ng ilang miron—walang duda na dadalhin ni Manny ang laban para pasayahin ang mga manononood. Pero ang problema ay na kay Floyd. Baka magtatakbo lang ito para maging boring ang laban.

Well, pag naging ganoon ang senaryo—sisigaw ang mga boxing fans ng HARANG!!! Soli BAYAAAAD!!!

0o0

Pananaw ng ilang boxing fans sa labang Pacman-Floyd:

ELY BERNARDINO ng Cavite City — Tiyak na iiwas si Mayweather na lumaban ng toe-to-toe. Iaaplay pa rin niya ang taktika ng hit-and-run para i-frustrate si Pacman. At kapag sumablay ang mga pamatay na banat ni Manny, magtatagumpay si Mayweather sa nakakainip na laban. Floyd via split decision.

MANG BESTRE ng Tambunting, Sta Cruz, Manila – Tiyak na planado na nina Manny Pacquiao at Freddie Roach kung paano kokorneren si Mayweather. At kapag nagtagumpay ang Pambansang Kamao—parang punching bag na lang ang mayabang na boksingero.

SONNY GARCIA, EX-O ng Barangay 210, Zone 19 – Ngayon lang makakaharap ni Mayweather ang isang boxer tulad ni Pacquiao na nagpapakawala ng napakaraming suntok bawat round. Kapag hindi sumabay si Floyd, tiyak na lamang sa suntok bawat round si Manny. At kapag nagpahinga si Mayweather tulad ng ginagawa niya sa mga nakaraang laban, doon naman siya pupupugin ng suntok ni Pacman.

0o0

Yung gusto pang makibahagi sa labang Pacman-Floyd—itext ang inyong komento at opinyon sa 09202010729.

 

ni Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …