Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asawa ng mga manlalaro nag-away sa dugout

 

042415 ibañes quiñahan rosser

KAHIT sa labas ng court ay mainit pa rin ang sagupaan ng Talk n Text at Rain or Shine sa finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Sa katapusan ng Game 5 noong Biyernes ng gabi ay nagkasagutan sa labas ng dugout ang dalawang maybahay ng mga manlalaro ng dalawang koponan dahil sa mainit na aksyon at sobrang pisikal na laro.

Nagsigawan ang maybahay ng power forward ng TNT na si Harvey Carey na si November Tan at ang misis ni Jireh Ibanes ng ROS na si Camille Dowling na isang dating miyembro ng Perlas Pilipinas women’s basketball team.

Ayon sa mga saksi, nainsulto umano si Gng. Carey sa mga sinasabi ni Dowling sa kanya habang nag-uusap ang huli at ang kanyang mister.

Sumugod ang ilang mga bodyguards ng Araneta Coliseum upang pigilin ang insidente.

Nagulat ang kakampi ni Ibanes na si Ryan Arana sa inasal ni Dowling.

“Ang alam ko, tahimik lang yun si Camille,” wika ni Arana.

Dahil sa nangyari ay inaasahang lalong magiging mainit ang Game 6 ng Tropang Texters at Elasto Painters mamayang hapon sa Big Dome. Isang panalo na lang ang kailangan ng TNT para tuluyang masungkit ang kampeonato.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …