Thursday , December 26 2024

Ilegal na sugalan sa Pasay, ni-raid!

00 rex target logoMAKARAANG hatawin ng inyong lingkod nang ilang araw ang bookies sa karera ng kabayo at lotteng diyan sa siyudad ni Mayor Tony Calixto ng Pasay, sa wakas ay kumilos na rin ang lokal na pulisya sa pamumuno ni Col. Joey Doria at pinaghuhuli ang mga pasugalan na umano’y nag-o-operate nang guerilla style.

Ilan sa mga ibinulgar nating bigtime na bangka ng lotteng ang pamosong si JUN ‘LAKAN’ GINTO na walang bukang-bibig kundi sina mayoral son Mark Calixto at ang nakakulong na ngayong Barangay Kapitan na si BORBIE RIVERA.

Makaraang madakip si Rivera ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) kamakailan, parang kastilyong buhangin gumuho ang kaharian ng gambling lord na si JUN ‘LAKAN’ GINTO.

Pati ang pa-bookies ni alyas LOUGIE na ang mga galamay ay sina AMY at BOMBAY ay pinasadahan na rin.

Parang mga dagang nagpulasan ang mga hinayupak na alagad nina JUN LAKAN at LOUGIE sa sorpresang operasyon ng Pasay PNP.

Sana’y hind maging ningas-cogon ang operasyong ito versus illegal gambling COP Joey Doria sir.

Mamatyagan po nating mabuti at imo-monitor ang bawat kaganapan diyan sa lungsod ng Pasay.

Sana naman ay maging tuloy-tuloy na ang panghuhuling ginagawa ng mga pulis-Pasay laban sa iba pang bangka ng ilegal na sugal sa nasabing siyudad gaya nina ROSY, TOTOY, DORY at ELY ng Pildera, RONALD, GLORIA, CESAR at BAY ng Sto. Niño; CHE, ROGER , GEMMA at KAKA ng Tramo.

Sigurado tayo na kilala sila ng mga bagmen ng Pasay PNP, Colonel Doria.

Paging SPD Director, Gen. Henry Ranola sir, may mga butas din po ng lotteng diyan sa lungsod ng Makati si JUN ‘LAKAN” GINTO na magpahanggang ngayon ay nananatiling untouchable.

Pakisampolan naman ang mga pasaway Gen. Ranola sir!

 

KUDOS TO NBI DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

Muling bumandera sa newspaper headlines at mga TV news item ang dalawa sa masasabing big accomplishments ng tanggapan ni Director Virgilio Mendez ng National Bureau of Investigation (NBI).

Nauna nang konti ang raid ng bureau sa isang condo sa Mandaluyong City, na kinatagpuan ang mini laboratory ng liquid-ecstacy na gamit ng mga mayayamang durugista.

Ang isang 100 ML ng liquid ecstacy ay may street value na Php10,000. Gamit ito ng mayayamang addict sa pambibiktima ng kanilang mga sex objects na kadalasang kanilang iniispatan sa mga hi-end parties at gimikan.

Modus operandi ng sindikato at ng ilang mayayamang sex trippers na haluan ng liquid ecstacy ang inumin ng kanilang target na biktimahin. Ilang saglit lamang ay mawawalan na ng ulirat o magiging submissive sa ano mang sexual act ang sino mang mabibiktima.

May malaking peligro rin na tuluyang mamatay ang sino mang makaiinom nito kung magre-react negatively ang naturalesa ng biktima sa chemical reactions ng pinaghalong alak at liquid ecstacy. Posible umano itong mag-trigger ng heart attack dulot nang mabilis na pagtibok ng puso.

Mga grupo ng yuppies, mga showbiz personalities at rich kids sa exclusive schools ang umano’y kadalasang users ng naturang droga. Isang American national na kinilalang si Aaron Limon ang umano’y nagmamay-ari ng nasabing mini-laboratory samantala isang Dennis Thicke naman na isang Amerikano rin ang may-ari ng katabing unit kung saan natagpuan ang isang Nigerian national na bangag na bangag pa sa droga kasama ang isang ‘di kinilalang Pinay model na asawa umano ng Kanong si Thicke.

Kapwa wala sa condo ang dalawang Amerikano nang salakayin ng mga ahente ng NBI.

Another milestone accomplishment ng mga tauhan ni Director Mendez ay nang masakote nila ang convicted drug lord na si Ruben Tui sa isang buy-bust operation ilang kilometro lamang ang layo mula sa Sablayan Penal Colony, Occidental Mindoro na kinakukulungan ni Tui.

Nahuli rin sa nasabing operasyon ang Bucor escort ni Tui na si Ahrbe Duron.

Isang kilo ng shabu ang nahuli ng NBI mula kay Tui na kataka-takang nakalalabas-masok ng nasabing piitan para magbenta ng droga. Na-recover din ang isang .45 caliber pistol at isang silver gray Toyota Innova na gamit ni Tui at ng kanyang mga escorts.

Dalawa pa umanong escorts ni Tui ang nakatakas.

Taong 1999 nang mahuli si Tui sa kasong drug trafficking sa Makati City. Noong 2000 inilipat si Tui sa Sablayan Penal Colony hanggang masentensiyahan ito sa kasong drug pushing.

Nag-alok pa umano si Tui ng P15-M sa mga ahente ng NBI para ibalik na lamang umano siya sa nasabing piitan at palabasing walang nangyaring drug transaction ngunit hindi ito pinatulan ng NBI team.

Pinapupurihan natin ang buong NBI at si Director Mendez sa ipinakita nilang katapatan sa kanilang tungkulin.

Iba na talaga kung ‘straight’ at matino ang hepe ng isang organisasyon, nahahawa pati ang kanyang mga tauhan.

Mabuhay ka Director Virgilio Mendez sir!

May your tribe increased!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

 

ni Rex O. Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *