Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tiket sa labang Manny at Floyd malapit nang ibenta sa publiko

040715 pacman floyd mgm

00 kurot alexHANGGANG ngayon ay naghihintay pa rin ang boxing fans na buksan na ng MGM Grand ang pagbebenta ng tiket sa publiko para sa bakbakang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Ilang araw na lang ang salpukan nina Manny at Floyd ay wala pa ring ibinebentang tiket ang MGM sa publiko. Hinala tuloy ng mga miron sa boksing na sadya nang kinontrol ng kampo nina Floyd at Pacquiao ang tiket para sila na ang magbenta nito sa mas mataas na halaga o yung tinatawag na ‘black market.’

Pero narito na naman si president and CEO ng CBS Corporation na si Les Monvees para isalba ang kapakanan ng boksing. Kung natatandaan ninyo, siya ang responsable para tuluyang maikasa ang labang Manny at Floyd sa May 2.

Sa pamamagitan niya ay naresolbahan ang maraming issues na nagiging problema ng kampo ni Mayweather at Pacquiao sa isyu ng alokasyon ng tiket para sa publiko.

Ang tanong ngayon ay kung ilan nga ba ang maibebenta lang sa publiko?

0o0

Narito ang ilan lang sa maraming text messages natin na natanggap tungkol sa mga pananaw ng boxing fans sa magiging laban nina Pacquiao at Mayweather:

ROLAN GONZALES ng Tondo, Manila – Tingin ko, bumalik na ang dating gutom ni Manny Pacquiao sa boksing. Kaya kung matagal-tagal ding hindi natin nakitang naka-knockout si Pacman sa ring—ngayon natin makikita ang matagal na nating pinakahihintay. Knockout si Floyd sa 10th round.

NAPO LAUZON CRUZ ng Southernwood, Laguna – walang magagawa ang ‘shoulder roll’ ni Mayweather. Pag ginawa niya iyon sa harap ni Pacman, open siya sa pamatay na ‘left hook’ ni Pacquiao. Go Pacman!

EX-BARANGAY CHAIRMAN BADO DINO ng Tondo, Manila – Magulang sa laban si Floyd. Tiyak na gagamitin niya ang taktikang ‘hit-and-run’ na puwedeng maka-frustrate sa diskarte ni Pacman. Tingin ko, mananalo si Mayweather via split decision.

MANG NARDO ng Lico St. – May nabasa akong write-up sa isang boxing website sa internet na marupok na raw ang kamao ni Floyd. Kung hindi niya masasaktan si Pacquiao sa kasagsagan ng laban, tiyak na mararamdaman ng Pinoy pug na kaya niya ang suntok ng Kanong boksingero. Go-signal iyon para pasukin niya nang pasukin si Mayweather.

Split decision para kay Pacquiao.

0o0

Sa mga boxing fans na gustong magbahagi ng kanilang pananaw sa labang Pacquiao-Mayweather, i-text lang sa 09202010729.

 

ni Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …