ITO ang paniniwala ni Floy Mayweather Jr., sa kanilang super fight sa Mayo 2 (Mayo 3 Ph time).
Ayon kay Mayweather, ang laban ay magiging sagupaan ng dalawang ‘hall-of-famer’ na nasa kanilang prime sa labanang itinuturing na ‘richest fight’ sa kasaysayan ng boxing.
Idinagdag ng unbeaten champion na wala siyang pangambang madungisan ang kanyang perfect 47-0 record.
“Siya’y future hall-of-famer. Ako’y future hall-of-famer din at maghaharap kami habang nasa tugatog ng aming mga career,” pahayag ni Mayweather.
“Batay sa matchup, magiging very exciting na laban ito,” pahabol nito.
Binigyang-pansin din ng American champion ang kanilang magkaibang estilo.
“Magkaibang-magkaiba ang aming estilo sa boxing. Lumalaban akong gamit ang aking utak. Kalkulado ang bawat kilos. Pinag-iisipan ang bawat galaw.”
Tinalakay din ni Mayweather ang progreso ng kanyang pagsasanay, ang lakas at kahinaan ni Pacquiao, maging ang pagreretiro, at inihayag niyang naglaho na ang ‘thrill’ ng boxing at sa puntong ito ng kanyang career, para na lang itong trabaho.
“Hindi, hindi na ako nag-e-enjoy gaya nang dati,” aniya. ”Nasa punto na ito’y negosyo na lang. Trabaho ko ito. Pupunta ako sa gym. Magsasanay. Alam ko ang dapat kong gawin.”
Ang welterweight unification fight sa pagitan ni Mayweather at Pacquiao ay hindi lamang magiging richest fight sa kasaysayan ng boxing kundi magdedetermina din kung sino ang tunay na pinakadakilang boksingero sa lahat ng panahon.
Inaasahang babasag ito ng mga record para sa ka-buuang revenue na nakatakda ang US$120 mil-yon para kay Mayweather at US$80 milyon para kay Pacquiao.
Kinalap Ni Tracy Cabrera