Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Benjie Paras lalaro sa San Beda

042415 andre paras

KASAMA ang anak ng dating PBA legend Benjie Paras na si Andre sa lineup ng San Beda College para sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup na magsisimula sa Sabado.

Lumipat si Paras sa San Beda pagkatapos ng isang taon niyang paglalaro sa University of the Philippines sa UAAP kung saan doon naglaro ang kanyang ama.

Makakasama ni Paras sa lineup ni coach Jamike Jarin sina Ola Adeogun, Baser Amer, Art Dela Cruz, Ryusei Koga, Jeramer Cabanag, Amiel Cris Soberano, Jaypee Mendoza, Dan Sara, Ice Reyes, Jose Mari Presbitero, Pierre Tankoua, Radge Tongco, Michole Sorela, Javee Mocon, Alfred Sedillo, Lance Abude at Francis Abuda.

Maghaharap ang San Beda kontra De La Salle University sa isa sa tatlong laro sa pagsisimula ng torneo sa Sabado sa San Juan Arena.

Bukod sa kanyang paglalaro at pag-aaral sa San Beda, abala rin si Andre sa kanyang pagiging artista at VJ ng MTV Pinoy sa cable TV. (James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …