Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Gold coins & red snake

Gold Coins

00 PanaginipHi po, g’aft,

Gusto ko lang po itanung kung anu po ba ang ibig sabhin ng panaghinip ko na coins of gold, tsaka po red snake thank you po. (09185679180)

 

To 09185679180,

Ang gold coins na nakita sa iyong bungang-tulog ay maaaring nagre-represent ng tagumpay at kayamanan. Maaaring may mga bagay na nag-trigger upang managinip ka ng ganito. Hindi rin direktang matutukoy dito kung ikaw ay mananalo kung saan o yayaman sa pamamagitan ng pagtaya sa kung anoman, subalit kung magiging masinop, masipag at matiyaga sa trabaho, maaaring balang araw ay maging mayaman ka rin.

Ang panaginip ukol sa ahas ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, subalit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes.

Ang kulay pula ay indikasyon naman ng raw energy, force, vigor, intense passion, aggression, power, courage, and passion. Ito’y mayroon ding malalim na emotional at spiritual connotations. Sa kabilang banda, ang kulay pula ay nagsasaad din ng anger, danger, shame, sexual impulses and urges. Kaya dapat na huwag maging padalos-dalos sa iyong bawat desisyon at mga hakbang na gagawin sa buhay. Paka-isipin muna ng ilang ulit bago ito gawin, lalo na ang mga maseselang isyu.

Señor H.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …