Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Ganador (Sa Mundong Parisukat ng Tao) (Part 16)

00 ganadorNANGAKO SI RANDO NA TATAPUSIN LANG ANG UTANG KAY TATA EMONG

“Mahal, makabayad lang ako kay Tata Emong, e huli na talaga ‘to… “ panunumpa ni Rando.

“Sana nga, Ran… sana…”

Kasali si Rando sa limang kalahok na maglalaban-laban sa pampinaleng eliminasyon. Dadaanin na lamang sa palabunutan kung sino sa lima ang mapalad na maghihintay na lamang sa magiging resulta ng dalawahang sagupaan sa ibabaw ng ruweda. Maigsing palito ang nabunot niya.

Sinimulan ang eliminasyon.

Sa lakas ng puwersa ng sipa ni Rando, mistulang sipang-kabayo ang nalalasap ng kanyang nakatapat na katunggali. At sa tindi ng pinakakawalang suntok, kapag nahagip ang kalaban niya ay para na itong nahataw ng maso.

Sa ikalawang round, maigsing palito muli ang nakuha niya sa palabunutan. Pero tinalo rin nya ang kalahok na nagpadapa sa nakatunggali nito sa unang round. At dalawa na lamang silang magkakasukatan ng lakas, tapang at abilidad sa huling yugto ng eliminasyon.

Girian muna sa umpisa… Pakiramdaman… intimidasyon sa isa’t isa…

Unang nagpakawala ng suntok at sipa ang kalaban ni Rando. Salag at ilag ang ginawa niya. Minsan pa itong umatake, sumi-pa-sipa. Pero handang-handa siya sa pagkakataong iyon. Nagawa niyang ipitin ng braso ang binti nito at saka binigyan ng todong siko sa punong-tuhod. Namilay ang kanyang katunggali sa bahagyang pag-atras. At sa isang kisap-mata, sinagapak niya ito sa panga. Umekis ang mga paa nito sa pangangalog – tihayang-tihayang nalugmok. Tulog!

Ipinagbunyi si Rando ng mga miron.

“Rando, Rando, Rando!” ang tila engkantasyon na pagkalakas-lakas at paulit-ulit na binigkas ng mga miron.

Pamaya-maya, isang solong tinig ang umalingangaw. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …