Wednesday , November 6 2024

Dapat nang ibalik ang bitay sa drug lords

00 pulis joeyNAPATUNAYAN na naman kung gaano katindi ang korupsyon sa pambansang piitan at maging sa penal colony.

Napatunayan ding ginagawa na lamang na “safe house” ng mga convicted drug lord ang pinaglagakan sa kanila na bilangguan. Ginagawa pa nga nilang badigard ang mismong jailguards!

Katulad ng natimbog ng National Bureau of Investigation (NBI) na convicted drug lord na si Ruben Tiu sa labas ng Sablayan Penal Colony sa Occidental Mindoro nitong Abril 17 (Biyernes).

Kasama pa ni Tiu ang isang jailguard, Ahrbe Duron, ng Bureau of Correction (BuCor) na nagsilbing badigard nang makipagtransaksyon sa posuer buyer ng droga na isang NBI agent.

Isang kilong shabu ang nakompiska ng NBI kay Tiu. Tinangka pa raw suhulan ng P15 million ng convicted drug lord ang NBI operatives para ibalik na lang siya sa kulungan at huwag nang paputukin pa ang isyu. Mabuti naman at hindi nasilaw ang ating NBI agents.

Mabuhay kayo, mga sir!

Si Tiu ay unang naaresto sa Makati City noong 1999. Dinala siya sa Sablayan, Mindoro Penal Colony year 2000.

Sa Sablayan Colony, naging matunog ang kanyang pangalan sa pagsusuplay ng shabu sa labas, baka hindi lang sa buong isla ng Mindoro.

Kung simula 2000 pa siya nagtatransak ng shabu sa labas, ibig sabihin ay 15 years na ni-yang ginagamit na safehouse ang kolonya, ginagastusan siya ng taxpayers money sa kanyang pagkain araw-araw, may mga bantay pa siya, at napakarami nang nabuang sa kanyang ilegal na droga.

Ngayong muli siyang naaresto sa droga, kakasuhan na naman siya… Para ano pa? Para muling makulong? E “life” na nga ang hatol sa kanya sa unang pagkahuli…

Habang buhay ang demonyong Ruben Tiu na ito… sa lawak ng kanyang koneksyon sa sindikato sa droga sa labas, magpapatuloy pa rin ito sa kanyang mga drug transactions… kahit ibalik pa sa Bilibid sa Muntinlupa.

Ang dapat sa katulad ni Ruben Tiu ay bitayin na!

Mga mambabatas!!! Panahon na para muli n’yong ibalik ang bitay para sa mga may kasong droga!

Isulong n’yo na pls., now na!

Binay o Poe 2016?

‘Eto na po ang karugtong ng mga komento at reaksyon sa iniwan kong katanungan sa ko-lum na ito few days ago: Sino ang iboboto ninyo sa pagitan nina VP Jojo Binay at Senadora Grace Poe kung sila ang mahigpit na maglalaban sa presidential race sa 2016.

– Wag natin iboto si VP Binay sa pagkapa-ngulo, politikal dynasty ang pamilya nila at involve pa sa corruption. Sa totoo lang, mahirap lang ang buhay ni Binay. Pero ngayon biglang yaman. No problem kay Marcos at Aquino kung sabi ng iba ay yumaman din sa politika. E dati naman sila mayaman. Di tulad kay Binay yumaman ngayon lang. Kaya mga kaibigan, magkaisa tayo… iboto pagkapangulo si Grace Poe

– 09496984…

– Ang aming first choice sa pagka-presidente sa 2016 ay si Mayor Duterte, ang lider na may kamay na bakal. Pero kung ayaw niyang tumakbo, si Sen. Poe na lang po na malinis at may kakayahan rin kung ihahambing sa kontrobersiyal na si VP Binay. – Tata Vill;anueva, Bais City, 09276437…

– Kung sino sa kanila ni VP Jojo Binay at Sen. Grace Poe ang aming iboboto sa 2016 presidential election? Of course ang aming kandidato ay si Poe na hindi magnanakaw ng pera sa kaban ng bayan. – Monique Puntevella, Bacolod City, 09497480…

– Kung ako po ang tatanungin, gusto ko po na maging presidente si Binay. Kasi si Binay sa Makati, halos lahat nakatikim ng kinurap nila. Libre ang eskuwelahan, mga gamit wala kang bibilhin. Taga-Maynila kami. Sa Maynila lahat may bayad ngayon under Erap administration (nung panahon ni Lim, libre). Ang mga kinurap nila, sinulo nila. Halos lahat naman kurap!

– 09205860…

– Ang aking pipiliin sa pagitan ni VP Binay at Sen. Poe na maging pangulo sa 2016 ay si Poe. They are poles apart. Si Binay ay 72 anyos na at tinaguriang “The Thief of Makati.” Samantalang si Poe ay may prinsipyo, tapat at walang dungis ang pangalan. – Onyok M ng La Carlota City, 09186434…

– Gud am po, Sir Joey. Sana po magising ang bansa, wag iboto si Binay. Taga-Bangkal, Makati po ako. Yung magandang benepisyo dito ay mga kapanalig at sipsip lang ang nakinabang.

– 09165146…

*Bukas uli ang ibang reaksyon. Subaybayan!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

 

ni Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *