ni Roldan Castro
VERY vocal si Wendell Ramos na gusto na niyang maging Kapamilya. Masayang-masaya siya dahil nakasama siya sa episode ng Ipaglaban Mo kahapon.
“Right now, kung ako ang tatanungin, I’d love to,” deklara niya nang tanungin siya ni Kuya Boy Abunda sa Aquino and Abunda Tonight
“It’s an honor and a privilege na magkaroon ako ng work dito sa ABS, but so far I think under negotiation pa,” dagdag pa niya.
Pero umaasa siya na magiging ganap siyang Kapamilya.
Si Wendell ay nagsimula sa GMA 7, lumipat sa TV5 at nag-stay ng tatlong taon.
Tiyak na babango ulit ang career ni Wendell ‘pag natuloy siya sa ABS-CBN 2 at mailalabas niya ulit ang pagiging magaling na artista.