Sunday , December 22 2024

So, Carlsen salo sa liderato (Gashimov Memorial Shamkir Chess)

042115 wesley so chess

PINALUHOD ni GM Wesley So si GM Michael Adams sa third round upang sumampa sa tuktok ng liderato sa nagaganap na Gashimov Memorial Shamkir Chess 2015 sa Azerbaijan.

Umabot sa 45 moves ng Queen’s Gambit Declined bago pinisak ni 21-year old So (elo 2788) si Adams (elo 2746) upang ilista ang 2.5 points at makisalo sa unahan kasama si reigning world champion GM Magnus Carlsen (elo 2863) ng Norway.

Lamang si So sa posisyon bago pa nagkamali si Adams sa kanyang pang 36th move kung saan ay itinira niya ang Qc5.

Kinaldag muna ni So si GM Anish Giri sa 1st round bago tumabla sa second round kontra former classical world champion GM Vladimir Kramnik (elo 2783) ng Russia.

Solo sa pangatlong puwesto si Kramnik tangan ang two pts. habang sina veteran at dating world champion GM Viswanathan Anand (elo 2791) ng India, GM Maxime Vachier Lagrave (elo 2762) ng France at GM Rauf Mamedov (elo 2651) ng host country ay nagsisiksikan sa fourth to sixth places bitbit ang 1.5 puntos.

May tig isang puntos sina Giri (elo 2790) ng the Netherlands, world’s No. 2 GM Fabiano Caruana (elo 2802) ng Italy at GM Shakhriyar Memedyarov (elo 2754) ng Azerbaijan.

Nasa ilalim naman si Adams karga ang 0.5 puntos.

Pinayuko ni Carlsen si Caruana matapos ang 52 moves ng Dutch habang makipaghatian ng puntos si Kramnik kay Mamedov.

Makakalaban ni So sa round four si Mamedov habang katapat ni Carlsen si Adams sa event na may 10-player at ipinaturupad ang single round robin.

Ang ibang matches ay sina Vachier laban kay Caruana, Giri kontra kay Mamedyarov at Kramnik kaharap si Anand.

Samantala, kinapos si Pinoy GM Oliver Barbosa para masungkit ang titulo sa katatapos na 15th Bangkok Chess Club Open 2015 sa Thailand.

Dumapo sa eighth place si Barbosa (elo 2489) na may 6.5 pts. matapos siyang matablahan ni IM Lyna Narayanan Sunilduth (elo 2464) ng India sa ninth at last round.

Naitarak rin ni GM John Paul Gomez ang 6.5 pts. pero matapos ang tie-break ay nakopo nito ang 13th place. (ARABELA PRINCESS DAWA)

 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *