Saturday , November 23 2024

Mga pinakakawawang manggagawa sa India

042115 india worker

NAKAYUKO sina Zainab Begum Alvi at ang kaniyang mga kasamahang kabataang manggagawa para mamulot at punuin ang bitbit na mga basket ng upos na sigarilyo at tuyong mga dahon para irolyong sigarilyo, sa utos ng makapangyarihang mga bidi baron ng India.

“Kailangan kong gawin ito, kahit ano’ng mangyari, kahit masama ang aking pakiramdam. Wala akong choice,” wika ni Alvi, na kumikita lamang ng 70 rupee kada araw, na katumbas ng mahigit lang ng isang dolyar, para sa kanyang 12 pras na trabaho na irolyo ang mga bidi.

“Wala nang ibang trabaho kundi ito, kaya ‘pag hindi ko ginawa ito, wala akong magagagawa,” dagdag ni Alvi, isang maliit at payat na babaeng nagmula pa sa northern state ng Uttar Pradesh na nagsabing nasa 50 anyos na siya.

Humigit-kumulang sa 70 milyong mga Indi-yano ang humihithit ng nirolyo sa kamay na mga bidi, na pinagtiti-yagaang gawin ng mga napakaabang manggagawang katulad nina Alvi at mga batang kamaganakan gamit ang kulay khaki na mga dahon ng tendu at sinulid.

Mas mabili ang mga bidi kaysa mga filtered, paper-bound na karibal na sigarilyo sa bilang na walo kada isa, na siya namang nagbigay ng impluwensiya sa mga bossing ng industriya kung kaya ipinapagpaliban ang planong maglagay ng mas malaking babala sa kalusugan sa mga pakete ng sigarilyo

Kinondena ang tatlong mambabatas ng ruling Bharatiya Janata Party sa parliamentary committee na nagsasagawa ng imbes-tigasyon ukol sa isyu dahil sa pahayag nilang walang ebidensya na ang paniniga-rilyo ay sanhi ng sakit na cancer bilang dahilan sa pag-antala sa batas.

“Walang medical evidence na ang mga bidi ay sanhi ng cancer,” punto ni Shyama Charan Gupta, isa sa tatlong mambabtas at pinuno din ng isa sa kompanyang gumagawa ng isa sa pinakamahusay na brand sa bidi industry.

 

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *