Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Indonesia durog sa Batang Gilas

042115 batang gilas

DINUROG ng Philippine national under-16 team, na mas kilala bilang Batang Gilas, ang Indonesia, 106-50, sa Cagayan de Oro para walisin ang oposisyon sa Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Under-16 tournament.

Ang torneo ay nagsisilbing qualifying tournament para sa FIBA Asia Under-16 tournament na gaganapin sa Hulyo sa India, na kabibilangan ng top three teams na makakukuha ng slot sa regional competition.

Una rito, nasungkit ng Batang Gilas ang spot sa FIBA Asia U-16 tilt sa pa-mamagitan ng pagpapabagsak sa Thailand, 105-48, noong Biyernes nitong nakaraang linggo.

Dahil sa pagdomina sa Indonesia, nagawang walisin ng mga kabataang Pinoy ang kompetisyon at idepensa ang gintong medalya.

Tinalo rin ng Batang Gilas ang Brunei, 112-31, at Malaysia, 106-69, sa iba pang mga laban.

Nanguna para sa mga Pinoy si Sam Josef Belangel sa kanyang 18 puntos kontra sa Indonesia.

Makakasamang nakakuha ng slot sa FIBA Asia U-16 ang Malaysia (second place) at Indonesia (third place).

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …