MATAGAL nang pinamangha ang karamihan sa alamat ng Bigfoot sa paglipas ng ilang siglo, kasunod ng mga inilathalang pagpapakita nito sa kabundukan ng Himalayas at maging sa northwest America.
Ngunit ayon sa isang leading geneticist, natagpuan niya na ang pinakamatibay na ebidensya na isang babae na namuhay noong ika-19 na siglo sa Russia ay maaaring isang yeti—ang native name ng bigfoot.
Naniniwala si professor Bryan Sykes ng University of Oxford na ang matangkad na babaeng pinangalanang Zana, ay mayroong strain ng West African DNA na kabilang sa subspecies ng mga modernong tao.
Inilarawan ang pagkakahawig ng babae sa mabangis na hayop, at ang ‘pinakanakakikilabot na feature ang kanyang anyo na purong makahayop,” isinulat ng isang Russian zoologist noong 1996 ayon sa ulat ngTimes.
Lumitaw sa pag-aaral ng DNA ng Zana na siya’y ‘100 porsyentong African’ subalit bahagya lamang ang physical o genetic resemblance sa alin mang modernong African group, ayon din kay Sykes.
Naniniwala pa ang propesor na ang mga ninuno ni Zana ay nagmula sa Africa may 100,000 taon ang nakalipas at nanirahan sa masukal na bahagi ng Caucasus sa mara-ming henerasyon.
Kalaunan ay napa-‘amo’ si Zana ng isang maharlika na nagdala sa kanya bilang utusan at inalagaan siya sa kanyang estado sa Tkhina sa Republic of Abkhazia.
Kinalap ni Tracy Cabrera