Tuesday , November 19 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Mga katawan ng tubig

00 PanaginipEllo po sir,

Vkit po b mdlas ako nananginip ng dagat at kung minsan naman ay ilog yung drims ko, may pnhihiwatig po kea i2 s akin? Pls dnt publish my cp # sir, im Angel fr. marikina city.. tnx a lot po

To Angel,

Ang panaginip hinggil sa dagat ay nagre-represent ng iyong unconscious na kalagayan at ng transition between your unconscious and conscious. At tulad ng lahat ng simbolong may kaugnayan sa tubig, ito ay nagpapakita rin ng iyong emosyon. Posibleng may kaugnayan din ito sa pakakaunawa o pananaw mo sa isang sitwasyon. Alternatively, ito ay maaaring nagsasabi ng pangangailangang i-reassure ang iyong sarili o magbigay ng reassurance sa iba. Ito ay may hatid na pag-asa, bagong perspektibo, at positibong pananaw sa buhay kahit na gaano pa kabigat ang iyong kasalukuyang suliranin o pasanin sa buhay. Ang panaginip mo ay nagre-represent din ng iyong unconscious mind at kadalasan na nagpapahayag ito ng iyong emosyon o maaari rin namang nagsasabi na may mga bagay na dapat kang makita nang mas malalim at mas malinaw.

Ang ilog naman, kapag ito ay malinaw at payapa, nagsasaad na pinababayaan mo ang iyong buhay na walang direksiyon at ikaw ay nagpapadala lang sa agos nito. Ang nangangalit na ilog ay nangangahulugan na wala kang kontrol sa iyong buhay, samantalang kung maputik ito, ang katumbas ay kaguluhan, pagsubok, at selos. Kung naliligo ka naman sa ilog, ito’y nangangahulugan ng purification at cleansing. Alalayan ang sarili na huwag madala ng sobrang tensiyon na dinaranas o daranasin pa. Matutong mag-relax at maglibang, dapat din na maging handa at kalmado sa pagdating ng mga suliranin. Linisin ang isip sa mga negatibong bagay at makabubuting i-focus ang isipan at atensiyon sa mga bagay na positibo, productive, at magbibigay sa iyo ng kasiyahan at satisfaction.

Señor H.

 

About hataw tabloid

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *