Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hapones naka-sex ang 12,000 Pinay

 

042015 arrest prison

INARESTO sa Japan ang isang dating school principal na sinasabing nagbayad sa 12,000 kababaihan para makipagtalik sa kanya habang naririto siya sa Pilipinas simula noong 1980s, ayon sa ulat ng Jiji Press.

Idinokumento ni Yuhei Takashima, 64, ang hindi kukulangin sa 150,000 larawan ng kanyang mga nakatalik na kababaihang Pinay sa loob ng 27 taon sa 400 magkakahiwalay na photo album, at idinahilan na “nais niyang mapanatili at maalaala ang kanyang mga karanasan.”

Sinabi ni Takashima sa pulisya na nagsimula siyang magbayad para sa sex nang pinadala siya bilang principal sa isang eskuwelahan sa Maynila noong 1988.

Simula noon, nagawa ng dating middle-school principal na sumama sa tatlong sex tour kada taon, para sa kabuuang bilang na 65 pagdalaw sa Pilipinas, at sa haba ng panahong iyon, nakipagtalik siya sa mahigit 12,000 kababaihan, na ang mga edad ay nasa pagitan ng 13 hanggang 70-anyos.

Walang ulat na nakapagbigay ng breakdown kung gaano tumagal ang mga sex tour o kung ilang babae ang nakasiping niya sa bawat isa, subalit nag-average umano ito sa mahigit isa bawat araw sa 27 taong nakalipas simula nang dumalaw siya sa bansa.

Sinabi rin ng dating principal na 10 porsyento ng mga nakatalik niyang babae ay mas bata sa 18-anyos.

Inaresto si Takashima sa salang paki-kipag-sex sa isang dalagita sa Maynila nitong nakaraang taon na pinaniniwalaang 13-anyos lang ang edad, at batay sa kapangyarihan ng pulisya sa Japan maaaring habulin ang sino mang Hapones para sa krimeng ginawa sa ibang bansa.

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …