Aries (April 18-May 13) Mas nanaisin mong tumulong sa iyong mga kaibigan, pamilya o kasama.
Taurus (May 13-June 21) Maghinay-hinay ngayon, walang dahilan sa pag-aapura.
Gemini (June 21-July 20) Kailangan bang muling painitin ang iyong love life? Kung hindi, good for you. Ngunit kung ito’y nararapat, ngayon na ang sandali para rito.
Cancer (July 20-Aug. 10) Kung may namumuong hindi pagkakaunawaan sa iyo at sa iyong mate o kaibigan, dapat mo itong agad na ayusin bago tumindi pa.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Patuloy sa pagdaloy ang iyong good energy ngayon. Mainam ang sandali sa pag-enjoy ng iyong mga natamo.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ramdam mo ang lalim ng partikular na emosyon ngayon, ngunit makatutulong ito sa pakikipag-ayos sa iyong mate o kasama sa trabaho.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang lahat ng enerhiya ay magagamit sa ilang bagay – at dapat mong maisip ang tamang proyekto.
Scorpio (Nov. 23-29) Walang bagay na napakahalaga at hindi makapaghintay hanggang kinabukasan. Kaya huwag papagurin nang husto ang sarili sa trabaho.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Mag-enjoy kasama ng iyong mga kaibigan. Kumain sa labas at gumimik.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maaaring hindi batid ng mga tao sa iyong paligid kung ano ang nangyayari, ngunit tiyak ding makikita nilang ikaw ay patungo sa tamang direksyon.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Kung ikaw ay naglalakbay o pabalik na, ang iyong enerhiya ay maaaring magamit sa pag-organisa ng mga larawan at mga souvenir.
Pisces (March 11-April 18) Para sa iyo, ang excitement sa accomplishment kaysa thrill ng kompetisyon ang mahalaga.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Minsan, masyado kang nag-aalala, maaaring dahil hindi makapagdesisyon, naiipit sa mga sitwasyon, ngunit kapag pinatutugon, agad mo namang nagagawa.
ni Lady Dee