Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang rematch, KO si Pacquiao —Floyd Sr

 

041815 pacman floyd

HINDI na magkakaroon pa ng rematch sa sandaling matapos na ang May 2 fight ng kanyang anak laban kay Manny Pacquiao, pahayag ng ama at trainer ni Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay Floyd Sr., mabubugbog nang sobra ang Pinoy superstar kaya wala nang magnanais pang magkaroon ng pangalawang pag-haharap ng dalawa.

“I don’t think people will want to see a rematch. The can of whooping that Floyd will give, there will not be another rematch. There won’t be another fight,” wika nito sa panayam ng Boxing Insider.

Prediksyon ng matandang Mayweather, anak niya ang mananalo sa sagupaan. Naniniwala siyang sobrang husay ng kanyang anak kaya hindi na makakaabot pa ang Pambansang Kamao sa final bell ng laban.

“Well, I can’t tell you what round, I can’t tell you what round because in all the rounds he can get stopped in any one of them. I don’t know what round the fight could end, but hey… I could give you a round, I think. But I’m gonna tell you, in bet-ween 1 to 12 he’ll be down and out,” wika ni Floyd Sr.

Habang sinasabi rin na alam niya ang gagawin ni Pacquiao sa loob ng ring, pag-aaralan pa rin daw niya ang mga galaw at kilos ni Pacman sa mga video ng dating laban nito.

“I’ve seen Pacquiao fought before, I know what Floyd is going to do what he’s going to do anyway. Even though I know what he’s going to do, it’s still always good to look,” aniya.

“There ain’t too much to watch to tell you the truth. We ain’t looking for cause he’s left handed, because Floyd has left handers down. We definitely ain’t looking for anything unexpected.” (Tracy Cabrera)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …