Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Team Asia idedepensa ang korona (2015 AM8.com Queens Cup )

041815 AM8 Queens Cup

SA pagbubukas ng 2015 AM8.com Queens Cup na gaganapin sa Resorts World Manila ay nakahanda nang rumebanse ang Team West matapos silang payukuin ng Team Asia 4-10 nung nakaraang taon.

“To be honest I want revenge,” madiin na saad ni “ Texas Tornado” Vivian Villarreal ng Team West.

Pero para kay BETPoker.net World Women’s 10-ball Championships Queen, Rubilen “Bingkay” Amit kahit mga kampeon ang mga kakampi ay paniguradong dadaan pa rin sila sa butas ng karayom para makadalawa sa team West.

“We would like to win but it will be difficult,” nakangiting sabi ni Amit.

Samantala, isang 4-on-4, dalawang doubles, dalawang singles at isang 3-on-3 ang event na sasarguhin mamayang gabi kung saan ang nasabing showdown ay nag-umpisa kahapon at magtatapos bukas (Linggo).

Bukod kay Amit ang ibang kakampi nito sa Team Asia ay sina World’s No. 1 Siming Chen ng China, former Rookie of the Year Eunji Park ng South Korea at veteran Jennifer Chen ng Taiwan.

Ang mga kakampi ni Villarreal sa team West ay sina Karen Corr ng Ireland, Jennifer Barretta ng USA at Team Captain Ewa Mataya Laurance ng Sweden .

Una ang 4-on-4 kung saan ay kasali ang lahat ng players sa bawat teams susunod ang doubles kung saan ay magkakampi sina Siming at Chen ( Asia ) kontra kina Korr at Barrette (West).

Sa pangalawang doubles, lalabanan nina Amit at Park ( Asia ) sina Laurance at Villarreal (West).

Babalik sa mesa si Amit para makipagsargohan kay Korr sa unang singles at pagkatapos ay sina Park at Villarreal naman ang magtutumbukan sa pangalawang singles event.

Magtutuos naman sa 3-on-3 sina Amit, Park at Siming laban kina Laurance, Korr at Barrette.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …