KAKAILANGANING lakihan pa ng People’s Champ Manny Pacquiao ang kanyang itataya kontra kay Floyd Mayweather Jr. Para maging ‘exciting’ ang laban, pahayag ni boxer-turned-promoter Oscar De La Hoya, na parehong tinalo ng dalawang kampeon.
Malaki ang duda ng binansagang ‘Golden Boy’ na tatakbuhan ng wala pang talong si Mayweather kapag nakaharap niya sa ibabaw ng ring ang Pinoy icon kaya malaki ang posibilidad na maging ‘boring bout’ ang sinasabing mega-fight ng dalawang boksingero.
Ayon kay De La Hoya, kakailanganing dalhin ni Pacman ang laban kay Mayweather: “He (Pacquiao) has to ‘put the fight in his hands’ to make it an interesting affair.”
“Ang boxing office ang magiging pinakamalaki sa kasaysayan ng boxing. Ngunit ako, tulad ng karamihan ng mga fan, ang gusto naming makita ay magandang laban, aksiyon, hindi iyong boring na sagupaan kaya sana ibigay sa atin ng dalawang magkatunggali ang inaasahan naming ma-tinding bakbakan,” sinabi ni De La Hoya kay Chris Robinson ng Hustle Boss.
“Kapag sumakay si Mayweather sa kanyang bisikleta, kapag nagsimula siyang lumaban nang nasa distansya, pumipitik ng jab dito, at isa doon, ginagawa lang ang dapat sa mga round, maaaring maging bo-ring ang laban,” aniya.
Umaasa siyang hindi bibiguin ni Pacman ang mga boxing fan.
“Sa tingin ko, nasa mga kamay ni Manny kung ano ang magiging takbo ng laban, at para rito, dapat i-apply niya ang pressure sa bawat segundo ng bawat round.”Nakatakdang magharap sina Pacquiao at Mayweather sa 12-round welterweight showdown sa MGM Grand Arena sa Las Vegas sa Mayo 2.
Iuuwi ng kung sino mang mananalo ang welterweight crown ng World Boxing Council, World Boxing Organization at World Boxing Association.
ni Tracy Cabrera