Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lineup ng Gilas ‘di muna ilalabas

010715 gilas tab baldwin

PUMILI na ang bagong head coach ng Gilas Pilipinas na si Tab Baldwin ng 26 na manlalaro mula sa PBA para makasama sa national pool na maghahanda para sa FIBA Asia Championships ngayong taong ito sa Tsina.

Ang torneong ito ay magiging qualifier para sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil .

Sinabi ni PBA Media Bureau Chief Willie Marcial noong Miyerkoles ng gabi na hindi muna ilalabas ng liga ang listahan ni Baldwin dahil magkikipaglong muna ang coach sa mga team owners tungkol sa plano niya sa national team.

Ilang sources ang nagsabi na halos sigurado na sa bagong Gilas sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Paul Lee at Jayson Castro.

(James Ty III)

Sina Fajardo, Lee at Castro ay dating mga manlalaro ng Gilas noong panahon ni coach Chot Reyes samantalang si Slaughter ay naging miyembro ng RP team noong panahon naman ni Rajko Toroman.

“It’s in the PBA’s hands now, we’re just going through a few process, but the names are all done. I’ve submitted them to all of my superiors, it’s really in their hands now when they are going to release it,” naunang sinabi ni Baldwin sa sports website na www.spin.ph.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …