Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dimakiling binulaga si GM Ghosh

041815 15th Bangkok Chess Club Open

INIAHON ni IM Oliver Dimakiling ang kampanya ng mga Pinoy woodpushers matapos manalo sa round five ng 15th Bangkok Chess Club Open sa Pattaya, Thailand.

Binulaga ni No. 24 seed Dimakiling (elo 2417) si ranked No. 1 GM Diptayan Ghosh (elo 2512) ng India sa 35 moves ng Reti habang yumuko si GM Oliver Barbosa kay super grandmaster at top seed Wang Hao (elo 2713) ng China.

Kasali sa liderato si Barbosa (elo 2489) bago siya natalo kay Wang sa 37 sulungan ng Slav.

Dahil sa panalo ni Dimakiling, siya naman ang nakisalo sa unahan tangan ang 4.5 points papasok ng sixth round.

Kasalo ni Dimakiling sa first to fifth places sina Wang, No. 2 seed GM Francisco Pons Vallejo (elo 2696) ng Spain , GMs Jan Gustafsson (elo 2639) ng Germany at Jozsef Horvath (elo 2522) ng Hungary .

Makakalaban ni Dimakiling sa susunod na laro si super GM Bartosz Socko (elo 2628) ng Poland habang magkatapat sa top board sina Wang at Vallejo .

Napako sa apat na puntos si Barbosa upang makisiksik sa sixth to 24th place kasama ang tatlong Pinoy woodpushers na sina Asia’s first grandmaster Eugene Torre (elo 2460), GM Darwin Laylo (elo 2496) at 17-year old IM Paulo Bersamina.

Nanaig si Bersamina (elo 2390) kay Y V K Chakravarthy ng India habang nakipaghatian ng puntos sina Torre at Laylo kina Parab Ritviz at IM Dhopade Swapnil (elo 2446) na mga taga India ayon sa pagkakasunod.

Samantala, isang norm na lang ang kailangan ni Dimakiling upang maging ganap na grandmaster at maaari niyang makuha dito sa tournament kung magtutuloy ang magandang laro niya hanggang last round.

Ni ARABELA PRINCESS DAWA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …